Chapter 33: Trusting No One

62 8 8
                                    

<><><><><><><><><><><><><>
Chapter 33: Trusting No One
<><><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

"The toughest thing about the power of trust is that it's very difficult to build and very easy to destroy. The essence of trust building is to emphasize the similarities between you and the customer."

- Thomas J. Watson

•••••••••••••••••••••••••••••


''Haides, is that you?"


Nakita niya. Nakita niyang ngumiti ang babae sa kanya. Nakita din niya ang mga pulang mata nito. Yayakapin na sana niya ito ng bigla na lang itong nawala.

Guni- guni?


Imposible.

''Ganun na lang ba parati Haides. Bakit ayaw mo pang magpakita sa 'kin? Bakit sa tuwing lumalapit ako, ikaw naman itong lumalayo? Bakit Haides?", bulong niya habang nakatingin pa rin sa pwesto ng babaeng biglang nawala.

Hindi nagtagal ay napagdesisyunan din ng binata ang umalis na lang doon pero nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla na lang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ito at tsaka binuksan.

Isang text message na may naka-attach na litrato mula kay Sera.

''I've found her. Nagkita na din kayo. Finally!", ayon sa text.

Tiningnan niya ang litrato. Nanlaki ang mga mata niya na agad namang nawala. Napangiti siya, ibig sabihin lang totoong nakadaupang-palad niya si Haides. Totoong nakasama at nakausap niya si Haides. Totoo siya at hindi guni-guni lang.

Dahil doon, napaluha siya habang may ngiti sa mga labi.

''Alam ko na. Hindi ito ang tamang panahon para sa 'ting dalawa. Pero kung naririnig mo man ako ngayon gusto kong malaman mo na sa bawat araw na lumilipas, lagi ka lang nasa puso ko. Mahal kita, Haides. Mahal na mahal. Hihintayin ko ang tamang panahon na 'yon at kapag nangyari iyon... Hindi na kita pakakawalan pa. Pangako.''


•••••

Napaluha siya ng marinig iyon sa binata. Kanina niya pa gustong yakapin ito pero alam niyang mas magiging mahirap para sa kanilang dalawa kapag nalaman na ng lahat na nakabalik na siya.

Alam din niyang alam na din ni Sera ang lahat at sa totoo lang nagkausap muna sila nito bago sila magkasadaupang- palad ng kanyang Kamatayan.

"Kamahalan? Haides?", ani ni Sera ng siya'y makita nito. Agad itong lumuhod upang magbigay- galang.

''Tumayo ka Seraphina. Hindi na ako isang reyna.''

''Salamat naman at nakabalik ka na. Alam na ba 'to ni Deather?"

''Hindi ko alam pero malaki ang kutob ko na alam na niya. Dahil sa kwintas. Pero hindi dahil doon kung bakit ako naparito.''

''Bakit Haides?"

''Ang kakambal ng kakambal ko. Nabuhay na muli siya.''

''S-si Lorraine? Iyong may-ari ng katawan na ginamit mo noon?". Tumango lang ang dalaga sa kanya. ''Papaanong?"

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon