<><><><><><><><><>
Chapter 28: Au Revoir
<><><><><><><><><>•••••••••••••••••••••••••••••
“You and I will meet again, When we're least expecting it, One day in some far off place, I will recognize your face, I won't say goodbye my friend (love), For you and I will meet again.”-Tom Petty
•••••••••••••••••••••••••••••
''Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw kong salita sa lahat?"
''Ano 'yun?"
''Ang salitang 'Paalam'.''
''Bakit Haides?"
''Kasi sa paggamit ng salitang paalam, hindi tayo maaaring makasiguro kung yung taong gumamit nun ay babalik pa o hindi na. Maaaring nagpaalam siya pero babalik pa siya o di kaya nama'y, maaaring nagpaalam siya dahil hindi na siya babalik. At tsaka, marahil wala din siyang kasiguraduhan sa pagbabalik niya.''
''Bakit mo sinasabi sa 'kin ang mga 'to?"
''Wala lang. Siguro mauunawaan mo lang ito kapag naging hari ka na ng ating kaharian.''
'Eto na ba Haides ang tinutukoy mo noon?', ani ng Hari ng Kamatayan sa kanyang isip habang nakatingin sa nakangiting si Haides.
''Haides huwag mong gawin iyan! Malaki ang magiging kapalit ng gagawin mo!", umiiyak na sabi ni Persephone sa kanyang anak.
''Patawarin mo ako aking Ina at salamat sa lahat ng kalingang iyong ibinigay. Sana'y mahalin ninyo pareho ni ama ang batang nandiyan sa loob ng iyong sinapupunan dahil siya ang magiging susunod na hari ng ating kaharian. Mahalin ninyo siya, iyon lang ang tangi kong hiling sa inyo mahal kong ina at ama.''
''Anak ko...''
''Paalam sa iyo aking Ina.'', napatingin din siya sa kanyang ama na ni isang emosyon ay walang mababakas sa mukha nito. ''Sa iyo din aking ama, paalam. Isang karangalan ang ginawa ninyong pagsunod ng aking pangalan sa inyong tunay na pangalan. Maraming salamat, Ama.''
''Haides!"
Napatingin naman siya sa Hari ng Kamatayan na nakatingin din sa kanya.
''Pakiusap huwag mong gawin iyan.'', nagmamakaawang sabi ng hari habang unti-unting nagtutubig ang mga mata nito,
''Maraming salamat. Dahil sa iyo natuto akong umibig at magmahal ng totoo... sa isang kamatayang katulad mo kahit na ipinagbabawal ito sa ating mundo. Minahal kita noon at mas mahal kita ngayon. Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at... Paalam na sa iyo, aking Kamatayan.''
Pagkatapos na sabihin iyon ni Haides ay sinabi na niya ang isa pang ipinagbabawal na spell, ang spell na tatapos sa kanya.
Tumulo ang mga luha nila sa isa't-isa. Ngayon nauunawaan na ng Kamatayan pero kahit na ganun ayaw niya pa ring mawala si Haides sa kanya kung kaya't ginawa niya ang lahat ng paraan para masira ang harang sa pagitan nila at ni Haides.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...