Chapter 37: Azrael

37 6 6
                                        

<><><><><><><><>
Chapter 37: Azrael
<><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

"His wings are gray and trailing, Azrael, Angel of Death, And yet the souls that Azrael brings Across the dark and cold, Look up beneath those folded wings, And find them lined with gold"

- Robert Gilbert Welsh

•••••••••••••••••••••••••••••

''Henry, tingnan mo 'to dali!"

''Sandali lang po ate Sheena.'', sabay lapit nito. ''Wow!"

''What do you think? Bebenta kaya 'tong album namin?"

''Opo, ate. Congrats po sa inyo.''

''Salamat Henry. Oh siya gabi na. Bukas ulit ha.''

''Opo, ate. Ba-bye po.''


Habang naglalakad siya pauwi ay naramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya. Naging alerto siya. Nung una ay hindi niya ito pinapansin. Sinubukan niya ang mag-iba ng daan ngunit kahit saan siya magpunta ay sinusundan pa rin siya nito kung kaya't...

''Bakit mo ako sinusundan?", tanong niya dito.

''Sabi ko na nga ba at mahahalata mo rin ako.''

Pamilyar sa kanya ang boses na iyon kung kaya't napalingon agad siya sa nagsalita. Tama nga ang hinala niya.

''Bakit mo ginagamit ang mukha ng aking Kamahalan? Sino ka?", galit na tanong ni Azrael dito.

''Ako 'to si Haides. Hindi mo na ba ako natatandaan?"

''Hindi ikaw ang kamahalan ko. Hindi ganyan kapula ang kanyang mga mata.''

''Sinasabi ko na nga ba. May makakahalata rin sa pagbabalot-kayo ko.'', sabay tawa nito ng maala- demonyo.

''Anong kailangan mo sa kin at sino ka?"

''Ako nga pala si... Ayoko ngang sabihin. Hulaan mo na lang tutal matalino ka namang uwak. Kailangan ko sa'yo? Simple lang, ibigay mo sa kin ang kapangyarihan mo.'', utos nito na siya namang ikinatawa ni Azrael.

''At bakit ko naman kailangan ibigay sa'yo? Nasa katawan mo naman ang natitira pang kapangyarihan ng aking Kamahalan, ha Lorraine? Bakit?", ani ni Azrael ng makita ang isang peklat nito sa kanang braso na katulad ng kay Lorraine. Kaya nasisiguro siyang ang babaeng nasa kanyang harapan ay si Lorraine.

''Bakit? Simple lang din. Sa oras na mawala na sa kin ang kapangyarihan niya at least may kapangyarihan pa rin ng kamatayan sa katawan ko. Oh diba para di ako dehado sa 'min dalawa.'', sabay tawa ng malakas nito.


''Nababaliw ka na talaga, Lorraine.'', umiiling na sabi nito.


''Nababaliw? Matagal na akong nabaliw. Baliw na baliw na ako sa kapangyarihan ng isang Kamatayan. Kaya nga di ba naparito ako para kunin ang kapangyarihan mo. Kaya ibigay mo na sa 'kin 'yan.''


''Bago mo makuha ang kapangyarihan mo, bakit hindi natin idaan sa isang labanan ang lahat?"


''Labanan? Aba gusto ko 'yan!", nakangiting sabi nito sabay tawa ng malakas. ''Humanda ka na dahil mapapasa akin din yang kapangyarihan mo.''


Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon