<><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Chapter 15: The Start of Another Beginning
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''Let go of yesterday. Let today be a new beginning and be the best that you can, and you'll get to where God wants you to be.''
-Joel Osteen
•••••••••••••••••••••••••••••
Ilang araw na din ang lumipas simula ng mangyari ang pangyayaring kinatatakutan ng lahat. Bumalik ulit sa normal ang lahat 'yung para bang walang nangyari.
Nang dahil sa halik ng isang tao at ng isang Kamatayan ay nagkaroon ng liwanag. Liwanag na siyang lumamon sa Kadiliman. Liwanag na siyang nagbura sa isip ng mga tao tungkol sa nakakatakot na pangyayaring iyon.
''Haidie...'', napalingon ang dalaga sa kanyang likuran. Nasa kanyang likuran ang isa sa mga nagligtas ng kanyang buhay. Dalawang beses na siya nitong nililigtas pero ni minsan ay hindi ito humingi ng kahit anumang kapalit.
''Luna!", agad siyang lumapit dito at tsaka niya ito niyakap.
''Haidie...'', unti-unti nang naluluha si Luna. ''Sorry.''
Agad namang nagtaka si Haidie sa sinabi ni Luna. ''Huh? Bakit Luna?"
''Sorry kasi pagkatapos nito hindi mo na ako makikita.'', sabi nito habang umiiyak.
''Bakit? Luna naman eh, 'wag ka munang umalis. Di pa nga ako nakakabawi sa mga ginawa mong pagliligtas sa 'kin.''
''Hindi mo na kailangan pang bumawi, Haidie. Ang makita kang okay na ay sapat na. Ginawa ko lang misyon ko 'yun ay ang iligtas ka.''
''Luna...'', naiiyak na rin si Haidie.
''Ang lahat ay nakatakda. Tandaan mo, ang itinakda ng tadhana ay di na mababago kahit anumang pilit mo para mabago ito. Ang pagkikita natin ay itinakda rin. Anumang itsura ko at kahit sa ibang panahon man iyon kapag itinakda na magka-daupang-palad tayo ng tadhana ay magtatagpo at magtatagpo pa rin tayo.'', ipinahid ni Luna ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi at pinilit na ngumiti. Kinuha ni Luna ang kanyang hourglass at ibinigay iyon kay Haidie.
''Anong--''
''Iyan ang Hourglass ko. Iyan ay ang buhay ko. Nang dahil diyan kaya nagkatagpo tayo. Ang isang oras diyan ay katumbas ng pitong araw. Sa loob ng pitong araw na iyon ay kailangan kong tapusin ang misyon ko. Ang misyong iyon ay ang iligtas ka sa digmaang mangyayari sa panahong ito at dahil nailigtas ka namin agad ay di na muling nangyari pa ang digmaang iyon, ang digmaan ng Liwanag at Dilim, ang digmaan ng Buhay at Kamatayan.
Siyam na pu't walong taong gulang na ako, Haidie. Natapos ko na ang trabaho ko sa loob ng isang oras. Ito na ang oras ko para magpahinga. Iyang hourglass kong iyan ay sa'yo na. Parang souvenir ko na din 'yan para sa'yo. Para maalala mo na sa loob ng pitong araw ay may isang Luna na kasing-edad mo lang ang nakadaupang-palad mo sa panahong ito. Kung makalimutan mo man kung sino ako ay ayos lang. Basta ba iingatan mo 'tong regalo ko. Iyan na lang siguro yung maihihiling ko sa'yo at alam kong iingatan mo iyan. Oh siya, paalam na Haidie or should I say Your Highness.'', napanganga si Haidie sa narinig. Muling niyakap ni Luna si Haidie at pagkaraan ng ilan segundo ay kumalas na rin ito at tsaka nagsimulang maglakad palayo sa dalaga habang... Lumuluha ulit. Masaya siya. Sobra. Bukod sa nagawa niya ang misyon niya ay muli pa niyang nakapiling si Daniel na si Allen na ngayon.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...