Chapter 13: Memories?

144 11 8
                                    

<><><><><><><><><><>

Chapter 13: Memories?

<><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

“I have learned that if you must leave a place that you have lived in and loved and where all your yesteryears are buried deep, leave it any way except a slow way, leave it the fastest way you can. Never turn back and never believe that an hour you remember is a better hour because it is dead. Passed years seem safe ones, vanquished ones, while the future lives in a cloud, formidable from a distance.”

Beryl Markham

•••••••••••••••••••••••••••••

''HAHAHA!! Hawak ko ang dalawa sa kanyang pagkatao. Ang dalawa na kung saan ay ang kanyang Buhay at Kamatayan!''

'Dalawa pang pagkatao? Buhay at Kamatayan? Sino ka ba talaga Haidie Lorraine Armstrong? At ilang parte pa ba ng pagkatao mo ang hindi ko pa alam?'

''Ano Kamatayan? Wala ka bang gagawin para iligtas ang dalawang babae sa loob nya?"

'Dalawang babae? Sa loob nya?'

''Hi! I'm Lorraine.''

''Ako si Haides.''

'Sila? Sino sila?', sa utak ng Kamatayan.

''Hahahaha!! H'wag mong sabihin na kinalimutan mo na sila?"

''Tumahimik ka!"

''Bakit? Amo ba kita para sundin? Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng kasagutan sa mga tanong mo kung...''

''Kung ano?"

''Papayag kang sakupin ko ang buong pagkatao ng babaeng ito.''

''Tuso ka!"

''Dahil ako ay isang Demonyo.'', sabi nito at tsaka ngumiti. Ngiti ng isang tunay na demonyo.

''HINDI.AKO.PAPAYAG!", matigas na sabi ng Kamatayan sa halimaw.

''Ganun ba? Pasensyahan tayo. At dahil hindi naman kita amo ay sa ayaw't sa gusto mo sasakupin ko pa rin ang katawan ng babaeng ito!"

Napansin ng Kamatayan na para bang naglalaho ang halimaw.

''Saan ka pupunta?"

''Paalam Kamatayan!", sabi ng halimaw hanggang sa tuluyan na itong naglaho.

Hindi na alam ng Kamatayan o ni Deather ang gagawin. Bakit? Bakit napakahina niya? Kinoronahan siya bilang isang Hari. Lahat ng kapangyarihan ay nasa kanya pero bakit hindi man lang niya nagawang protektahan ang babaeng iyon? Bakit sa t'wing lumalapit siya dito ay may mga naglalabang emosyon sa loob niya?

'H'wag ka nang mag-alala mula ngayon ay poprotektahan na kita.'

'Pangako?'

'Ayokong mangako dahil ayokong ito'y mapako.'

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon