<><><><><><><><><>
Chapter 23: Haides
<><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
“Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.
From an Irish headstone”
― Richard Puz, The Carolinian
•••••••••••••••••••••••••••••
Nang makarating na siya sa kanyang opisina ay agad niyang binuksan ang pinto ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang madadatnan doon.
“Bitawan mo iyan!”, matigas na sabi ni Seraphina dito at kasabay din nun ay ang kanyang pagbabagong anyo.
“Paano kung ayaw kong bitawan? May magagawa ka ba Seraphina? Or should I say Serpentina?”
“Sino ka ba? Bakit hindi mo hubarin iyang maskara mo?”, ani ng maala-halimaw na boses ng Serpentina.
“Bakit hindi mo muna kilalanin ang mga mata ko?”
Napatingin ang Serpentina sa mga mata ng taong nakamaskara. Ang mga matang pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang mga matang kay tagal niyang hindi nakita. Ang mga pulang matang iyon.
“Ikaw?... Haides?”
“Kumusta?”
“Bakit hindi mo tanggalin ang maskara mong ‘yan?”
“Paano kung ayaw ko? Nga pala may regalo ako sa iyo.”
“Regalo? Para saan?”
“Para sa tagumpay ng iyong play.”
Kahit na nakamaskara ito ay ramdam pa rin ng Serpentina ang galak nito. Pero kahit alam niyang ang Haides ang kausap niya bakit parang may kakaiba dito.
“Humanda ka na Serpentina dahil magugulat ka sa regalo ko sa iyo.”. Tumayo ito at pumunta sa mesa na natatakpan ng itim na tela. “SURPRISE!!”, sigaw nito ng matanggal ang telang siyang tumatakip dito.
Halos nanlaki ang mga singkit na mata ng Serpentina ng makita ang limang ulo sa ibabaw ng kanyang mesa. Duguan pa rin ang mga ito at kitang-kita ang patuloy na pag-agos ng mga dugo nito pababa papunta sa sahig.
“Sila ang--”
“Nagulat ka ba? Iisa lang ang mukha nila hindi ba?”
Namukhaan ng Serpentina ang iisang mukha ng limang ulo at ito ay isa sa mga estudyante niya sa play... si Rea.
Samantala...
Magkakatabi pa rin sa kanilang mga pwesto kanina sina Yanna ng dumating ang binatang si Deather.
''Nasaan si Ms. Sera bakit kayo lang nandito?", tanong nito ng makalapit sa kanila.
''Deather? Buti at ligtas ka.''
''Tama ka. Nasaan siya?"
•••••
''Anong g-ginawa mo sa k-kanila?"
''Oh bakit parang nauutal ka Serpentina? Nagulat ka ba?'', dahan-dahan itong lumalapit sa Serpentina at sa isang iglap ay nasa likod na siya nito. ''O baka naman... natatakot?", pabulong na sabi nito.
Agad na kumilos ang Serpentina kung kaya't nakalayo siya sa Haides. Hindi niya maintindihan ang lahat. Ang nasa harapan niya para bang... ibang Haides ito.

BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...