Chapter 8: The Undead Body

225 13 14
                                    

<><><><><><><><><><><><><>

Chapter 8: The Undead Body

<><><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

"Hatred is corrosive of a person's wisdom and conscience; the mentality of enmity can poison a nation's spirit, instigate brutal life and death struggles, destroy a society's tolerance and humanity, and block a nation's progress to freedom and democracy."

-Liu Xiaobo

•••••••••••••••••••••••••••••

Dugo. Puro dugo ang nasa paligid. Nagkalat ang mga sariwang dugo ng tao. Bawat sulok may dugo.

Patay. Maraming nasawi sa paligid. Madaming bangkay ng tao ang nagkalat. Ang ilang katawan ay pinagpatung-patong naman at ginawang parang isang bundok. Ang iba ay nagkalasug-lasog ang katawan at ang iba ay naputol naman ang ilang bahagi ng katawan. Isama na rin ang mga buto ng mga yumao na dahil sa nangyari ay naging abo na. Ang ilan sa mga bahagi na naputol mula sa katawan ng mga biktima ay nakapatong sa ibabaw ng mga nitsong kulay puti ang pintura. Sariwang-sariwa pa ang mga dugong tumutulo mula dito.

Dumako ang paningin nya sa nilalang na nasa kanyang harapan. Ang mga mata nito ay kasing-kulay ng mga dugo na nakikita sa kanyang paligid. Kamatayan ang siyang simbolo ng nilalang sa kanyang harapan.

Pero bago mangyari ang lahat ng iyon ay isang napakabilis na pangyayari ang kanyang nasaksihan at pati na rin ng nilalang na nasa kanyang harapan. Isang pangyayari na naging dahilan kung bakit sya nabalutan ng Kasamaan.

:::FLASHBACK:::

Nang mga sandaling iyon ay biglang may naramdaman ulit ang dalaga na may iba pang mga mata ang nakatingin sa direksyon nila. Hindi. Sa mismong direksyon nya. Sa kanya ito mismo nakatingin. Sa wari nya'y hindi ito isang ordinaryong ligaw na kaluluwa tulad ng mga nauna. Malakas ito at...

May isang bagay na nababalutan ng itim na aura ang papalapit ng papalapit sa kanya. Malapit na ito sa kanya, siguro isang metro na lang nang may humigit sa kanya at tinakpan ang kanyang mga mata.

''Wag kang tumingin!", utos nito.

Maya-maya ay narinig siyang pagsabog pero bago yun ay naramdaman nya ang yakap ng nilalang na nagligtas sa kanya.

Ramdam nya ang init sa yakap nito. Para bang isang tao ito dahil sa kakaibang init na naramdaman nya.

Tumingala sya para makita ang mukha nito pero bigo pa rin siya dahil mga mata pa rin nito ang kanyang nakikita, wala ng iba.

Habang pinagmamasdan nya ang mga mata nito ay unti-unti namang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata kasabay na rin nun ang pagbigay ng kanyang katawan. Siguro ay dahil sa pagod.

•••

Pagmulat nya ng kanyang mga mata ay kanyang nasilayan, mga matang kulay pula na kasing-pula ng kulay ng dugo. Mga mata ng isang nilalang na magkahalong takot at galit ang kanyang nararamdaman pero kahit papaano ay nagko-contrast ang salitang ''Saya'' sa kanya.

Nakaupo ito sa gilid nya at matamang nakatingin sa kanya. Sa tingin nya may gusto itong sabihin sa kanya.

''Ano yun?", tanong nya dito.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon