<><><><><><><><><><>
Chapter 12: The Beast
<><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
"I think that if the beast who sleeps in man could be held down by threats of any kind, whether of jail or retribution, then the highest emblem of humanity would be the lion tamer, not the prophet who sacrificed himself.''
-Boris Pasternak
•••••••••••••••••••••••••••••
"S-sino ka?"
"Ako'y walang iba kundi... IKAW! HAHAHA!"
Napabalikwas ng bangon si Haidie ng magising siya sa panaginip na 'yun. Nakakatakot ang itsura ng halimaw na nasa panaginip nya. Mga pulang mata. Ang ganda ngunit nakakatakot. Ang mga ngiti nito, ngiti ng isang... Demonyo.
Napansin niyang nakabukas na pala ang bintana ng kanyang kwarto. Napansin din niya ang tila kakaibang kulay ng kalangitan. Pula.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaunting saya ng makita nya ang kulay ng kalangitan ngayon. Ang sarap sa kanyang pakiramdam.
"Gising ka na pala.", ani ng isang boses mula sa pintuan ng kanyang kuwarto. Lumingon sya dito at nakita nya ang binatang si Deather na nakasandal sa may pinto habang nakasuksok ang mga kamay sa dalawang bulsa ng pantalon nito.
"Ikaw pala Deather.", sabi niya sabay ngiti dito.
''Mukhang masaya ka ata.''
''Natutuwa lang ako sa kulay ng kalangitan, tingnan mo.''
Agad namang lumapit ang binata sa may bintana at bigla na lang itong napasinghap ng makita ang kulay ng kalangitan. Nilingon niya ang dalaga at sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pangingilabot sa mga nangyayari sa dalaga. Ang kakaibang ngiti nito at ang mga mata nito.
Hindi niya na alam kung ano ng nangyayari sa dalaga. Hindi kaya may kinalaman ang kwintas na iyon kung bakit nagkakaganito ang dalaga? Hindi niya talaga alam kung ano. Kahit siya ang Hari ng Kamatayan ay wala pa rin siyang kaalam-alam sa mga misteryo ng mundong ito, sa misteryo ng buhay at kamatayan.
'Sino ba talaga ang babaeng ito?'
Nang mga sandaling iyon ay may naalala siya. Hindi siya nila alam kung saan hahanapin ito pero ito lang ang tanging makakasagot sa mga katanungan niya. Ang uwak na iyon... ''Azrael.''
Hindi alam ng Kamatayan na napatingin na pala sa kanya si Haidie.
''Azrael? Sinong Azrael?"
''Wala.'', sagot nito sa dalaga. Nawala naman ang mga ngiti nito at napalitan ng isang seryosong mukha.
''May itinatago ka ba sa 'kin Deather?"
''Ikaw, meron din ba?"
''Anong ibig mong sa--''
''H'wag ka ng maglihim pa! Sino ka?!", pasigaw na sabi ng binata. Medyo nabigla ang dalaga sa inasal ng binata kung kaya't...
''Lumabas ka!"
''...''
''LABAS!"
Wala ng nagawa ang Kamatayan kundi ang lumabas sa kwarto ng dalaga. May itinatago nga ito, halata sa kilos eh. Patas na sila ngayon.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Детектив / Триллер''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...