<><><><><><><><><><><>
Chapter 17: Preparations
<><><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''Life is a long preparation for something that never happens.''
-William Butler Yeats
•••••••••••••••••••••••••••••
Abalang-abala ang lahat sa ginagawang preparasyon para sa gaganaping university week ng Sayhai University sa makalawa. Halos hindi magkanda-ugaga ang lahat sa gagawin. Masyado silang nae-excite para sa university week at the same time ay medyo kinakabahan na din dahil sa may mga outsiders ang pupunta sa kanilang school para makisaya.
''Ui guys! Ready?", sabi ni Sheena sa kanyang mga kaibigan. Tumango ang mga ito sa kanya at nagsimula na siyang magstrum ng gitara. Nagsimula na din sina Yanna at Aya sa pagtugtog, maya-maya ay nagsimula ng kumanta si Haidie.
Nang matapos ang isang kanta ay nagpahinga muna sila.
''Good job Guys!", sabi ni Aya.
''Sana 'di pumalya ang boses ko sa concert night.'', ani ni Haidie.
''Ano ka ba Besdie? Think positive nga. Hindi 'yan noh! Basta ingatan mo lang ang lalamunan mo para walang problema.'', pagtsi-cheer ni Sheena.
''Tama! Tama!", pagsang-ayon ni Yanna kay Sheena.
Bigla namang nakaramdam ng kung ano sa katawan si Haidie kaya nagpaalam muna siya sa kanyang mga kaibigan na mag-ccr muna siya.
Habang naglalakad siya papuntang cr ay biglang lumamig ang paligid. Naramdaman niya ang pananayo ng kanyang mga balahibo.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad papuntang cr. Habang papalapit siya doon ay mas lalong tumataas ang kabang nararamdaman sa puso niya. Para bang sasabog ito. Hindi ito pag-ibig kundi takot.
Nang marating niya ang cr na pangbabae ay mas lalong tumataas ang kanyang mga balahibo sa katawan. Mas lalong lumalamig din at hindi lang iyon dahil humingin din ng napakalakas sa paligid niya.
Pinihit niya ang door knob ng pinto ng cr at nang nabuksan niya ito ay bumalandra sa kanyang harapan ang isang babae na nakayuko.
Sa tantiya niya ay hanggang balikat ang kulay brown nitong buhok at nakauniporme rin ito. Ibang-iba sa kanilang uniform. Napansin niya ang isang logo na nakatahi sa uniform nito, 'Sayhai' ang salitang nakasulat.
''Miss okay ka lang ba?"
Hindi siya sinagot nito kung kaya't lumapit pa siya rito. Hindi niya napansing sumarado pala ang pintuan ng cr.
''Miss?", akmang hahawakan niya ang babae ng may biglang---
''Huwag mo siyang hahawakan!", ani ng isang nilalang na may maa-halimaw na boses na mula sa kanyang likuran.
Lumingon siya upang tingnan ito ngunit ang nakita lang niya ay isang nakasaradong pinto. Pagbalik niya sa babae ay bigla na lang itong nawala. Maya-maya pa ay nagkaroon ng mantsa ng dugo ang pader ng cr dahil sa sobrang takot niya ay tumakbo siya papalapit sa pintuan ng cr.
Nang pihitin niya ang door knob ay di niya mabuksan ang pinto para bang may nag-lock mula sa labas.
''TULONG!!", sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...