Chapter 6: Predictions

321 14 18
                                    

<><><><><><><><><><>
Chapter 6: Predictions
<><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••••••

"Prediction is very difficult, especially if it's about the future."

-Niels Bohr

•••••••••••••••••••••••••••••••••

''Tara na Besdie! Malapit nang mag-umpisa yung misa.''

''Ah wait lang Beshley.'', sabi ni Haidie habang bumibili ng kandila.

''Pahingi naman po ng konting barya pang-kain lang ng apo ko o kaya kahit tira-tira man lang", ani ng isang matanda sa isang gilid.

Mayroon itong saklay na nakahiga sa tabi niya na halatang lumang-luma na dahil sa itsura nito. May isang maliit na lata sa kanyang harapan.

Pumunta ang dalaga sa isang stall na nagtitinda ng pagkain at bumili. Pagkabili nya ay dumiretso na sya sa matanda upang bigyan ito ng pagkain ng may isang batang babae ang lumapit dito.

''Lola naman dapat di na po kayo umalis ng bahay. Ako na lang po maghahanap ng makakain natin. Dapat nagpapahinga na po kayo dun.'', mangiyak-ngiyak na sambit ng batang babae sa matanda.

''Apo hayaan mo na akong tulungan ka. Kaya ko pa naman eh.''

''Lola naman...''

Agad namang bumalik ang dalaga sa stall na pinagbilhan nya ng pagkain upang bumili pa ng isa para naman sa apo ng matanda at tsaka bumalik sa mag-Lola.

''Uhm excuse me po?", sabi ni Haidie ng makalapit na sya sa mag-Lola. ''Para po sa inyong dalawa oh. Pagkain po. Masarap po yan.'', nakangiting sabi nya.

Agad namang pinunasan ng bata ang mga luha nya. ''Salamat po ate, sorry po sa abala.''

''Naku wala yun I'm sure gutom na kayo kaya kainin nyo na yan ni Lola habang mainit pa.'', sabi nya habang nakangiti pa rin.

''Naku Iha, salamat sayo kahapon pa kami di nakakain ng apo ko kasi inatake ako ng altapresyon dala ng katandaan.'', sabi ng matanda na naluluha na din.

Naiiyak na rin si Haidie dahil sa sitwasyon ng dalawa. ''Wala po yun Lola, kain na po kayo.''

''Ikaw po ate kain ka rin po.'', alok ng bata.

''Naku hindi na para sa inyo yan.''

''Ah salamat ulit Iha. Ay sandali wala man lang akong maibibigay sayo bilang kapalit pero baka gusto mong hulaan kita magaling ako manghula.'', sabi ng matanda sa dalaga.

''Naku Lola nakakahiya naman po sa inyo. Wag na lang po.''

''Wag kang mag-alala ate magaling talaga si Lola at tsaka eto na rin po yung kapalit ng pagtulong nyo sa min. Sige na po ate.'', pagpupumilit ng bata.

''Sige na iha.'', pilit ng matanda.

At dahil mapilit ang dalawa ay pumayag na rin ang dalaga.

Hinawakan ng matanda ang dalawang kamay niya at sinimulang basahin ang mga guhit sa kanyang palad.

Naramdaman nya ang panginginig ng matanda pati na rin ang panlalaki ng mga mata nito kaya agad nya ito tinanong.

''Lola a-ano po--''

''UMALIS KA NA! LUMAYO KA SA MIN NG APO KO!!", nanginginig pa rin ang matanda.

Naguguluhan sya sa tinuturan ng matanda ngayon. Anong ibig nitong sabihin?

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon