Chapter 2: The Second Death

401 17 16
                                    

<><><><><><><><><><><><><>

Chapter 2: The Second Death

<><><><><><><><><><><><><>

''If there's a Second Life, there's always a Second Death.''

-ANONYMOUS 

•••••••••••••••••••••••••••••••••

[Third Person's Point of View]

Hingal na hingal na nagtago sa isang kwarto ang isang dalaga. Pagod na pagod at takot na takot.

''Nasan ka na? Kapag nakita kita magpaalam ka na sa mundo! Hahaha!", isang malakas na sigaw mula sa labas ng kwartong pinagtataguan ng dalaga.

Tinakpan ng dalaga ang kanyang bibig habang naghahabol ng hininga upang hindi siya marinig ng taong gustong pumatay sa kanya.

''Walang hiya kang babae ka! Pinatay mo sya! Buhay nya ang kinuha mo kaya buhay mo naman ang kukunin ko!!!"

Tuluyan nang napaluha ang dalaga. Pinipigilan nya ang humikbi dahil sa isang ingay lang nya, Patay sya!

''Achoooo!!!!"

Hindi maaari. Wala na. Siguradong katapusan na nya.

''AHA!! P*nyeta kang babae ka! Andyan ka lang pala! Pinahirapan mo pa ako!", sabay bukas nito sa pintuan ng nasabing kwarto.

Umiiyak ang dalaga habang papalapit sa kanya ang taong may pagnanasang patayin sya.

''Tama na! Ano bang kasalanan ang ginawa ko sayo?''

''Kasalanan? Marami!''

''Hindi kita--"

''Hindi mo alam? Ha!? TANGA!''. Sinipa nya ang dalaga kung kaya't napaupo ito.

Dahan-dahan syang lumapit sa dalagang namimilipit sa sakit at tsaka sinabunutan.

''Nakikita mo tong hawak ko?", sabay pakita ng isang kitchen knife sa kabilang kamay habang ang isang kamay nito ay nanatiling nakahawak sa buhok ng dalaga at tsaka itinutok nito sa mismong mukha ng dalaga. ''Ito ang dahilan ng kamatayan niya at ito rin ang magiging dahilan ng kamatayan mo!! Hahahahaha!!!"

''Please naman, Tama na!", pakikiusap ng dalaga.

''Tama na? Pwe!", dinuraan nito sa mukha ang dalaga at patuloy pa ring sinasabunutan.

Lalong umiyak ang dalaga. Hindi nya aakalain na magagawa sa kanya nun.

Ramdam na ramdam nya ang pamamasa ng kanyang mukha dala ng pawis at luha pati na rin ang buo nyang katawan.

''Mabuti pang tama na ang drama. Nakakasawa na eh. Kaya sa ngayon, papatayin na lang kita para naman matahimik ka na.''

''Parang awa mo na wag!!"

"Ayoko nga! Hehehe!", nakatutok na ang kutsilyo sa kanya at

''Paalam.''

''WAAAAAAAAAAGGGGGGGGGG!!!!!"

Napabalikwas sya ng bangon. Basang basa ang kanyang buong katawan. Magkahalong pawis at luha.

Isang bangungot na naman. Paulit-ulit na lang.

*buzz! buzz!

Napalingon sya sa kanyang alarm clock. 6am na kung kaya't kelangan na nyang maghanda para sa pagpasok nilang magkapatid.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon