Chapter 10: The King of Death

204 12 7
                                    

<><><><><><><><><><><><><>

Chapter 10: The King of Death

<><><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

''I am become death, the destroyer of worlds.''

-J. Robert Oppenheimer

•••••••••••••••••••••••••••••

''Aine...''

Sa pagbanggit ng Kamatayan ng pangalang iyon ay may mga malalabong imahe ang kanyang nakita. Para bang tungkol ito sa kanyang nakaraan bilang isang tao bago sya maging isang kamatayan pero bakit? Bakit bumabalik ang mga alaalang iyon sa kanya?

'Gusto mong bumalik sa pagiging isang tao para lang hanapin ang babaeng minamahal mo? Kung gayon, pumunta ka sa mundo ng mga Mortal at hanapin ang nawawalang Reyna ng Kamatayan at siya'y iyong paslangin. Sa ganung paraan babalik ka sa pagiging isang tao at makakasama mo na ang babaeng iyong iniibig. at hindi lang iyon, maililigtas mo din ang mundo mula sa nagbabadyang digmaan.'

Naalala nya ang sinabi sa kanya ng isang matandang sorcerer noon nung nawawala ang Reyna ng Kamatayan. Dahil sa matandang sorcerer na yun kung bakit nalaman nya na nasa mundo pala ng mga tao ang Reyna ng Kamatayan.

Kailangan nyang hanapin at paslangin ang Reyna ng Kamatayan. Yun ang dahilan kung bakit naririto sya at nagpapanggap bilang isang tao. Pero ayaw nya na ang pagiging tao nya ay isa lang pagpapanggap, ang gusto nya ay habang-buhay syang maging isang tao at namumuhay ng simple at masaya kasama ang mga taong mahal nya, hindi yung ganito na napaka-kumplikado at may halong pagpapanggap.

Siya ay ang Hari ng Kamatayan. Nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan pero ang mga salitang ''Saya'' at ''Pagmamahal'' ay ang mga salitang inalis sa kanila at ito'y mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang mundo.

Kaya nung mga panahong ikinasal sya sa Reyna ng Kamatayan na noo'y isa palang prinsesa ay ni isang katiting na pagmamahal ay wala syang naramdaman dito. Blangko lang ang isip at puso nya. Walang ka-emo-emosyon.

Nung itinanghal naman sya bilang isang hari ay ganun din. Nasa kanya na ang kapangyarihan pero wala syang maramdamang saya.

Bakit ganun?

Yun na lang ang naitatanong nya. Pero nang umapak sya sa lugar na ito at nakita ang babaeng nagngangalang Haidie Lorraine Armstrong na may kakayahang makita sya ay ganun na lamang ang kakaibang pakiramdam na dumapo sa kanya.

Ibang-iba. Ang sarap sa pakiramdam. Para bang ang madilim na mundo ng kamatayan ay napuno ng liwanag at... Saya. Saya? Ito na ba talaga yun?

Muli nyang tiningnan ang mukha ng natutulog na dalaga. Punung-puno pa rin ito ng dugo ng mga taong pinatay nito pero kahit na ganun ay napakaamo pa rin ng mukha nito. Sa tuwing tinitingnan nya ito ay di nya kayang pigilan ang pagdampo ng 'Saya' sa kanya.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon