Chapter 14: Saving Her

151 12 3
                                    

<><><><><><><><><><>

Chapter 14: Saving Her

<><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

''Nothing we do, however virtuous, can be accomplished alone; therefore we are saved by love.''

-Reinhold Niebuhr

•••••••••••••••••••••••••••••

♥♠♦♣♪

Author's Note:

Walang Author's Note sa huli. Hahaha.

Babala! Don't expect too much because 'too much' can kill us.

Hahaha!

Obvious.

Ay nga pala, pakilagay po sa comment kung nabigyan ko ng hustisya yung Genre na Romance sa chapter na ito. Thanks.

Enjoy.

Yasumi Kannagi

•••••••••••••••••••••••••••••

''Ano gets nyo na ang plano? Kapag di gumana ay may plan B tayo.''

Tatango-tango naman si Allen samantalang tahimik lang si Deather na nakatingin sa kawalan. Nag-iisip. Nag-iisip kung tama nga ba ang gagawin nila.

''Kung nagdadalawang-isip ka, 'wag mo ng ituloy yan. Matatagalan lang tayo sa ginagawa mo.'', sabi ni Luna dito.

''Paano kung di gumana ang plano mo?", tanong ni Deather.

''Sa atin nakasalalay ang magiging kapalaran ng mundo ngayon. Kung ayaw mong maulit ulit ang digmaan ay kumilos ka din. Wala na tayong panahon tungkol sa mga nasa isip mo.''

''Tama si Luna. Malalaman mo din ang mga kasagutan sa mga nasa isip mo. Ang mas mahalaga sa ngayon ay mailigtas siya. Nauubusan na tayo ng oras, maski si Luna ay nauubusan na rin ng oras...''

''Allen...'', sabi ni Luna habang nakatingin sa binatang nagsasalita.

''Kapag hindi nagawa ni Luna ang kanyang misyon, mawawalan rin ng saysay ang lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng walong dekada. Mawawalan rin ng saysay ang pagkamatay niya noon.'', seryosong sabi ni Allen.

Nagulat naman si Luna sa mga sinabi nito. 'Alam niya lahat? Paano?'

Tahimik lang si Deather. 'Tama sila. Mabubuo ko rin ang tila palaisipan na ito kung sino nga ba talaga ang babaeng iyon at kung ano ang koneksyon niya sa nakaraan at kasalukuyan na ako.'

''Ano Deather?", tanong ni Luna.

''Payag na ako. Iligtas natin siya.''

Napatingin naman sina Luna at Allen sa isa't isa. Sa wakas napapayag din nila ang Kamatayan.

''Teka gagamit ba tayo ng magic? Wala ako nun eh. Ikaw Luna may powers ka?'', agad naman siyang binatukan ni Luna. ''Aray!"

''Di pwede. Mahahalata niya tayo lalo ka na Deather. Isang demonyo ang kalaban natin. Tuso ito kaya ang gagamitin natin ay ang kapangyarihan bilang isang tao.'', sabi ni Luna.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon