Chapter 20: Role Killing

116 10 19
                                    

<><><><><><><><><><>

Chapter 20: Role Killing

<><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••

“It is forbidden to kill; therefore all murderers are punished unless they kill in large numbers and to the sound of trumpets.” 

 Voltaire

•••••••••••••••••••••••••••

Author's Note:

Sorry for the very late update. Here's the chapter 20. Enjoy.

By the way, sali kayo sa group namin sa fb. Click the EXTERNAL LINK. Thanks.

Yasumi_Kannagi

•••••••••••••••••••••••••••••

Buong araw na binabantayan ng Kamatayan ang dalaga. Nagbabasakaling baka magising ito. Maya-maya ay napapikit ito, madiin. At sa kanyang muling pagdilat ay nasa Underworld na siya.

''Anong ginagawa ko dito?". Takang-taka ito. Bakit siya napunta sa lugar na iyon. Doon lang niya napagtanto na nasa River of Death siya.

''S-sino ka? Ikaw ba ang sinasabi nilang kamatayan?". Pamilyar ang boses na iyon at nang linungin niya ito ay doon lang niyang napagtanto na...

''Panaginip?"

''Doc kailan po makakalabas si Haidie?", tanong ni Aya pagkapasok sa kwarto ni Haidie na may kausap na isang doctor.

''Kung magigising siya ngayon, bukas na bukas pwede na siyang lumabas.''

''Okay po, thank you.'', pagkalabas  ng doctor ay nagbitaw ng isang mahabang buntong-hininga si Aya. ''Sorry besdie, hanggang ngayon di pa rin namin mahanap si Jason. Kahit si Joy, nagtatago na din. Sorry. Ay by the way besdie, labas lang ulit ako ha.''

"Ang mundong puno ng kasinungalingan. H'wag kang mag-alala, ililigtas kita...'' , ani ng Kamatayan na nasa tabi ng kama ng dalaga.

Unti-unting gumagalaw ang mga daliri ng dalaga senyales na magigising na ito o gising na ito at nakikinig lang sa Kamatayan.

''Haidie...''

''Ka-Kama-ta-ta-yan...''

''Malapit na.''

•••••

Kinabukasan,

Unang araw ng Sayhai University week. Masayang-masaya ang lahat dahil mukhang maidadaraos nilang muli ito ng maayos at matiwasay.

Sa loob ng tatlong araw ay bukas ang Sayhai sa lahat, mapa-bata o matanda man basta't gustong makisaya ay welcome na welcome.

Ngunit ang hindi alam ng lahat ay muling iikot na pabaligtad ang kamay ng oras, magbabalik ang nakaraan na itinago ng eskwelahan sa loob ng dalawang dekada.

''Handa ka na ba?"

''Oo! Paniguradong madugo 'to!"

''Tama. Kailangan nating mag-ingat!"

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon