Chapter 36: The Impostor

54 6 2
                                    


Chapter 36: The Impostor

•••••••••••••••••••••••••••••

"Everyone wears masks. They come in all different shapes and sizes. The only problem with trying one on is that it fits. How easily we fall into the trap that we don't have to be who we really are. How easily we convince ourselves that we need to cover up what we were born to be.It's a tragedy that fear keeps us from our destiny. It's hell when the person you were created to be is covered up by some cheap imposter"

Rachel Van Dyken, Toxic

•••••••••••••••••••••••••••••

Kitang- kita niya ng halikan ni Deather ang huwad na siya. Ang huwad na Haides.

Sobra siyang nasasaktan dahil sa kanyang nakikita. Gustuhin man niyang sugurin at pigilan ang dalawa ay hindi niya magawa sapagkat... hindi pa ito ang tamang oras.

Biglang sumagi sa isip niya si Seraphina. Kailangan niya munang maka-usap ito bago niya alamin kung sino ang nagpapanggap na siya.

''Haides?"

Takang- taka si Sera ng siya'y muling makita.

''Ano--''

''Seraphina, makinig ka!"

Nagulat siya ng hawakan siya ni Haides sa kanyang balikat. Napatingin siya sa dalaga at dahil doon ay napansin niya ang pagbabago ng kulay ng buhok nito.

''Haides ang... ang buhok mo.'', aniya habang nakatingin sa umiiyak na dalaga.

''S-si Deather... Kasama niya ngayon ang huwad na ako.''

''Ano?!", gulat na sabi ni Seraphina.

''May nagpapanggap na ako at natitiyak kong gagamitin niya si Deather laban sa 'kin.''

''Papaano mo nalaman 'yan? At saan?"

''Nakita ko sila. Hinalikan siya ni Deather dahil sa pag-aakalang ako ay siya.'', malungkot na sabi ni Haides. ''Kung kaya't ikaw ang agad kong pinuntahan sapagkat anumang oras ay pupunta siya, sila dito. Tandaan mo Seraphina huwag na huwag mong ipagsasabi kahit na kanino ang plano natin. At lagi mong tatandaan ang kulay ng mata ko ay ang siyang kulay din ng buhok ko.''

Pagkatapos na sabihin iyon ni Haides ay biglang may nag-bell sa labas. Sinilip ni Seraphina kung sino ang mga ito at nagulat siya ng makita ang huwad na Haides kasama si Deather.

''Tama ka nga. Naniniwala ako sa'yo, Haides.'', paglingon niya ay nawala na si Haides. ''Hindi ako papakontrol sa huwad na ikaw. Aalamin ko kung sino siya.''

•••••

''Miche!"

''Ay palakang butiki! Ano ka ba Lalaine papatayin mo ba-- Wait Haides?"

''Ako nga.''

''OMG! Anong nangyari sa buhok mo?", tanong ni Miche ng makita ang buhok ni Haides. ''Ba't color red na siya?"

''This is the real me.'', at bigla din nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at ganun din ang kulay ng kanyang mga kuko sa kamay at paa. ''I'm the real Haides.''

''Oh my! Anong nangyari Haides? Bakit... bakit bumalik ka sa tunay mong anyo?"

''May taong nagpapanggap na ako.''

"What?! Teka teka, you mean may fake Haides na umaaligid- aligid somewhere?''

''Oo. At nabiktima na niya si Deather.''

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon