Chapter 7: Those Eyes

233 14 10
                                    

<><><><><><><><><><>
Chapter 7: Those Eyes
<><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

''For I dipped into the future, far as human eye could see, Saw the vision of the world, and all the wonder that would be.''

-Alfred, Lord Tennyson

•••••••••••••••••••••••••••••

''Pagkatapos ng misyon na yun ay...'', naluluha na ang matanda habang sinasabi ito na agad na dinugtungan ni Luna.

''Tuluyan na akong magpapaalam sa mundong ito.'', sabi ng dalaga habang nakangiti.

Humahagulgol na ng iyak ang matanda at ganun na din si Luna hanggang sa niyakap ni Luna ang matanda at niyakap rin siya nito.

Napuno ng iyakan ang lugar na iyon ng araw ding yun. Ang iyakan na dapat sana'y sa nakalipas na walompung taon ngunit di nangyari dahil sa pakikialam ng langit kung kaya't nabago ang tadhana.

Samantala...

Mabilis pa sa alas-kwarto na kumaripas ng takbo ang dalagang si Haidie. Hindi sya pwedeng mahuli kahit isang segundo dahil kung hindi ay mawawala sa kanya ang taong pinakamamahal at pinaka-iingatan nya.

Papunta sya sa sementeryo dahil ayon sa sulat nasa gitna ng sementeryo ang taong hinahanap nya. Kailangan nyang dumating doon sa loob ng limang minuto.

Habang tumatakbo papunta sa lugar na nakasaad sa sulat ay may nag-flashback sa kanyang utak. Isang pangyayari na kahit gustuhin man nyang kalimutan ay di nya magawa. Kusa itong nagpapaalala sa kanya sa tuwing pinipilit nyang ito'y kalimutan.

:::FLASHBACK:::

May isang maliwanag na papel ang lumitaw sa harap ng dalaga.

'Ano ito?', sa isip ni Heidie.

''Yan ang Life and Death Slave Contract.. Hindi ba't mahal mo ang batang iyan?''

Tumango ang dalaga.

'Huh? Nakakagalaw na ako!!', sa isip pa rin ng dalaga pero bumalik ulit sya sa pagiging seryoso.

''Pag pinirmahan mo yan,  mabubuhay muli ang kapatid mo at makakasama mo sya ulit ng matagal...''

''Ok sige, pipirmahan ko na.'', nagulat ang dalaga sa pagbalik ng kanyang boses dahil dun ay nakaramdam sya ng kaunting saya pero agad ding nawala yun ng muling magsalita ang Kamatayan.

''Sigurado ka? Kahit buhay mo ang kapalit?"

''Oo.'', straight na sagot ng dalaga.

''Ang kontratang iyan ay ang Life and Death Slave Contract, hindi ka ba nagdadalawang isip--''

''Hindi!"

''Gusto mo talagang maging alipin ng Buhay at Kamatayan?"

''Ano pa bang bago? Kaya akin na ang ballpen at pipirmahan ko na!"

Binigay nito ang hawak nitong scythe kay Heidie.

''Dugo mo ang gagamiting panulat.''

''Huh?", naguluhan ang dalaga sa mga sinabi sa kanya ng kamatayan pero kahit na ganun ay unti-unti nyang nakukuha ang ibig nitong sabihin.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon