Chapter 25: Back to Her Own World

53 7 5
                                    

<><><><><><><><><><><><><><>
Chapter 25: Back to Her Own World
<><><><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

“The thrill of coming home has never changed.”

 

 

-Guy Pearce

•••••••••••••••••••••••••••••

Mga pulang mata... 'Yan ang tanging nakikita ni Deather sa dilim. Ang mga mata ni Haides na sobrang lapit na sa kanya. Palapit ng palapit ito at naramdaman na lang niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha.

''Sorry... Lagi mo sanang tatandaan na... Mahal na mahal kita aking... Kamatayan.''

Napansin ng Kamatayan ang pagtutubig ng mga mata nito bago ito pumikit at sa mga sandaling iyon ay naramdaman niyang lumapat ang mga labi nito sa kanya. Napapikit na din siya.

Iba ang nararamdaman niya nung mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan. Pakiramdam niya ay may nilalang na naglalaro ng tambol sa loob ng katawan niya, sa may dibdib mismo. Dumadagundong.

''Haides...'', bulong niya ng maghiwalay na ang kanilang mga labi.

''Paslangin mo ako ayon sa propesiya. Paslangin mo ako para...'', tuluyan ng naluha ang Haides. ''Para makasama mo na siya.'', at umalis na ito.

Narinig ng Kamatayan ang paghikbi nito pati na rin ang alingasaw ng putok ng baril. Gusto niya itong yakapin ngunit nakaalis na ito. Kasabay ng pag-alis ng Haides ay ang pagbukas muli ng mga ilaw at tumambad sa kanyang harapan at sa harapan ng karamihan ang isang katawang wala ng buhay sa stage.

''Nasaan sina Yanna??!!", sigaw ni Jerome. Halos mapaos na ito sa kakasigaw. ''Nasaan na ang mga kaibigan ko?!!"

Ang apat na babaeng kanina'y nagpe-perform sa stage ay bigla na lang naglaho na parang bula kasama din ang mga naka-itim na nilalang.

Nasaan?

Nasaan na sina Yanna, Sheena, Aya at Haidie?

Sino ang mga nakaitim na dumukot sa kanila?

At ano ang kanilang pakay sa apat na dalaga?

•••••

Ilang araw na ang nakalipas simula ang biglaang pagkawala ng apat na miyembro ng SAYHai band. Sariwa pa rin sa alaala ng mga nasa pinangyarihan ang mga nangyari na tila ba kagabi lang ito nangyari. Tulung-tulong sila sa paghahanap sa apat ngunit ni isang bakas na makakapagturo sa kung nasaan ang mga ito ay wala pa rin hanggang ngayon.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon