Chapter 38: Haidie Lorraine

52 4 0
                                    


Chapter 38: Haidie Lorraine

•••••••••••••••••••••••••••••

''Dahil ako mismo ang siyang Kamatayan.''

- Haides

•••••••••••••••••••••••••••••


"Ano?! Sumusobra na talaga 'yan Lorraine na 'yan! Pati ikaw dinamay niya!", galit na galit na sabi ni Miche.

''Natatakot ako na baka galawin din niya sina ate Aya. 'Yun mga kaibigan ni Haidie.'', ani ni Azrael.

''Hindi na talaga maganda ito.'', sabi ni Athena. ''Kailangan makagawa na tayo ng mga hakbang natin kahit na wala si Haides. Mas mabuti ng tayo ang mauna lalo na't mahina pa siya.''

''Teka lang. Anong sabi mo Azrael?", biglang tanong ni Miche.

''Ang alin Miche?''

''Iyong huli mong sinabi.''

''Iyon... tungkol ba sa mga kaibigan ni Haidie?"

''Oo! Oo, iyon nga. Sino si Hai-- Haidie?"

''Hindi ba siya naikwento sa iyo ni Haides?"

''Naikwento siya sa 'kin pero hindi niya nasabi sa akin kung sino ba talaga si Haidie. Naguguluhan ako.'', sabay hawak sa ulo nito.

''Paumanhin ngunit hindi ko man din kilala kung sino nga ba si Haidie Lorraine. Matagal ko ng kasama ang aking Kamahalan pati na rin ang kanyang mga mortal na kaibigan, ngunit wala akong alam sa tunay na Haidie Lorraine. Matagal ko nang itinatanong ito sa aking kamahalan ngunit puro ngiti na lang ang kanyang sagot kasabay ng 'Isang parte ng nakaraan'.'', paliwanag ni Azrael.

''Isang parte ng nakaraan? Ibig sabihin si Haidie Lorraine ay mula sa kanyang nakaraan? Pero hindi ba't nagpakilala siya bilang si Haidie Lorraine sa kasalukuyan nung nasa katawan ni Lorraine si Haides?", tanong ni Miche.

Natahimik lang ang lahat. Hindi alam ni Azrael ang kanyang isasagot dito samantalang, kanina pa tahimik na nag-iisip si Athena. Bigla tuloy niyang naisip kung dahil ba rito sa pangalang 'Haidie Lorraine' kung kaya ba ganoon na lamang ang galit ni Lorraine kay Haides? Dahil lang ba sa isang mababaw na dahilan? Pero baka may iba pa at ang pangalan na ito ang naging sanhi nun?

Mga sagot. Kailangan niya ang mga sagot. Mga sagot mula sa nakaraan.

''Norns.'', biglang sabi ni Athena at maya-maya pa ay may tatlong babae na mga nakaputi ang nagpakita sa kanila.

Ang tatlong babaeng ito ay tinatawag na Norns. Sila ang mga namumuno at nangangalaga sa tadhana ng mga diyos at mga mortal. Bawat isa sa kanila ay may panahong inaalagaan; si Urd ay ang sa nakaraan, si Verdandi sa kasalukuyan, at si Skuld naman ay ang sa hinaharap.

''Anong kailangan mo, Athena?", tanong ng nasa gitna.

''Gusto namin malaman ang nakaraan, maaari ba?"

''Kaninong nakaraan?", tanong ng nasa kaliwa.

''Kay Haides.''

''Maraming nakaraan si Haides, anong nakaraan niya ang gusto niyong malaman?", tanong ng nasa kanan.

''Ang tungkol kay Haidie Lorraine Armstrong.'', ani ni Azrael.

''Susubukan kong hanapin ang nakaraang iyon.''

''Salamat.'', ani ng nasa kanan.

Pumikit ito ng matagal. Napansin nila ang panay na pagkunot ng noo nito. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon