Chapter 21: Role Killer/s?

74 8 3
                                    

A/N: Thank you sa isang buwang paghihintay. Enjoy. XD 

<><><><><><><><><><><>

Chapter 21: Role Killer/s?

<><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••

"In the concentration camps, we discovered this whole universe where everyone had his place. The killer came to kill, and the victims came to die."

-Elie Wiesel

 •••••••••••••••••••••••••

Natatandaan na niya.

Si Grace Villanueva, ang babaeng nakalambitin kanina. Pero sino ang pumatay dito? Napakawalang-puso!

''Maiiwan muna kita dyan. Nga pala, pagkalabas ko i-lock mo agad ang pinto. Huwag na huwag kang magpapa-pasok ng kahit na sino maliban na lang kung maririnig mo si Deather. Huwag kang magtatago sa cr, nakikita mo ba 'yun bintana na iyon?''

Tumingin siya sa may bintana at tumango.

''Diyan ka lalabas kapag unti-unti na niyang sinisira ng pinto. Hihintayin ka din ni Deather diyan. Mag-iingat ka.''

Magtatanong pa sana siya dito kung bakit at ano nang nangyayayri ngunit nakalabas na ito. Agad siyang tumayo at ni-lock kaagad ang pinto.

''Ano bang nangyayari?", tanong niya sa sarili.

Wala siyang maisip na pwedeng gawin habang naghihintay kay Deather kung kaya’t humiga ulit siya sa kama at pumikit muna saglit.

'Sa ika-dalawampu't anim na taong pagdiriwang ng linggo ng Sayhai, isang trahedya ang sasapit. Babaha ng dugo. Ang buong paaralan ay magiging isang paaralan ng mga patay.'

Napadilat siya ng maalala niya ang mga katagang iyon. Ang babaeng nakasuot ng ibang uniporme, ang lumang uniporme ng Sayhai.

Sa ika-dalawampu't anim na taon ng Sayhai ay may isa ng namatay. Babaha ng dugo, ibig sabihin lang ay may iba pang mamamatay at ito ay marami.

Panandalian siyang natigilan ng maalala niya ang mukha nung nurse. Sobrang pamilyar ang mukha nito para bang nakita na niya ito sa kung saan pero hindi niya maalala. Pero nakatitiyak siya na ngayon lang niya nakita ang nurse na iyon. Baka siguro kamukha lang dahil common na rin siguro ang mga may ganung mukha sa panahon ngayon.

Lumapit siya sa kama at humiga. Muli siyang pumikit. Gusto niyang matulog ngunit ang bilin sa kanya nung nurse at 'yun sinabi ng babae noon sa may cr, para bang ipinapahiwatig ito na...

Napadilat siya ng may marinig siyang kumakatok sa pinto. Agad na kinabahan siya dahil doon.

''Haidie! Ako 'to si Deather! Buksan mo ang pinto!", sabi ng nasa labas.

Nabosesan niyang si Deather nga ito. Napahinga siya ng maluwag kung kaya't agad siyang tumayo sa kama at binuksan ang pintuan upang papasukin ito ngunit isang pagkakamali na naman ang kanyang nagawa.

''Hello. Ms. Armstrong!", bati ng taong nagtatago sa likod ng isang maskara.

•••••

''Sina Haidie at Deather nakita nyo na ba?"

''Hindi pa rin Yanna. Nasa backstage lang sila kanina siguro bago nangyari 'yun kay Grace.''

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon