<><><><><><><><><><><>
Chapter 26: Underworld<><><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''Underworld is the place of departed souls.''
- Merriam-Webster Dictionary
•••••••••••••••••••••••••••••
Inihatid na ni Charon ang Haides sa daungan papuntang Kastilyo ng Underworld. Nang malapit na sila sa daungan ay natanaw na ng Haides ang karwaheng maghahatid sa kanila papunta sa kastilyo.
''Hanggang sa muli Charon. Maraming salamat.'', sabi nito ng makaapak na ito sa daungan.
''Walang anuman Mahal na Reyna. Hanggang sa muli, aking Kamahalan.'', sabay yuko nito at umalis na.
Sinundo naman ng mga kawal ang Haides at ito ay pinasakay sa karwaheng pinalamutian ng mga kalansay. Habang nasa bayahe ay nakatungaw lang ang Haides sa mga nadadaanan. Napansin niyang tila ba nagbago ang paligid simula nung umalis siya at isa na dito ang bayang malapit sa kastilyo.
''Itigil mo ang karwahe!", utos nito.
Bumaba ang Haides at pumasok sa bayan na iyon. Iba't ibang nilalang ang kanyang nakikita. May mga anghel ng kamatayan, grim reapers, mga kaluluwa ng mga namatay, mga patay na kaluluwa at mayroon na ding mga duwende, mga fairies, mga serena at shokoy, mga aswang at bampira at kung anu-ano pang mga nilalang pero walang mga anghel mula sa langit at mga demonyo. Kakaiba ang bayang ito.
''Mukhang may naligaw ata sa bayan natin ah!", ani ng isang aswang na nagbabalat-kayo bilang isang tao.
''Oo nga at mukhang masarap siyang gawing hapunan!", sabi ng isang bampira.
Napatingin ang lahat sa kanya at kitang-kita sa mga hitsura nito ang sobrang kasabikang kainin siya. Oo. Kainin siya dahil sa may dugo siya ng isang Royal.
''Amoy na amoy ko ang dugo ng mga diyos sa kanya!''
"Hindi ko na mapigilan 'to!", akmang susunggaban siya ng isang bampira para sipsipin sana ang kanyang dugo ng bigla na lang itong naging abo, di pa man ito nakalalapit sa kanya.
''Argh!", at ng isa pa ngunit tulad ng nauna'y naging abo din ito kahit hindi pa man siya nahahawakan.
''Sugod!", at sabay-sabay na sumugod ang ilang bilang ng mga nilalang na naglakas-loob na saktan o hawakan siya ngunit naging abo lang ang mga ito.
''S-sino k-ka?", tanong ng isang dwende na takot na takot sa kanya. Ang lahat ng nilalang ay natakot din pwera na lang sa mga anghel ng kamatayan at grim reapers na nakaluhod at nakayuko lang sa kanya.
''Sino ako? Bakit hindi niyo sila tanungin?", sabay turo sa mga nilalang na nakaluhod at nakayuko. Nung nagsalita ang Haides ay lalong natakot ang ibang nilalang sa kanya.
''Maligayang pagbabalik... Mahal na Reynang Haides.'', bati sa kanya ng mga nilalang na nakaluhod.
Halos nanlaki ang mga mata ng ibang nilalang na hindi siya kilala kung kaya't nagsiluhuran ang mga ito sa kanya at sabay-sabay na nagsabing, ''Paumanhin po sa aming inasal Kamahalan. Hindi na po mauulit. Kami po sana'y inyong patawarin.''
Napabuntong-hininga ang Haides. Nasa isip niya, 'Kung inalam niyo kung sino talaga ako hindi sana naging ganyan ang kinahantungan ng mga nilalang na iyan.'
BINABASA MO ANG
Love on Death
غموض / إثارة''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...