Chapter 27: The First Revelation of Haides

53 8 5
                                    

<><><><><><><><><><><><><><><><>
Chapter 27: The First Revelation of Haides
<><><><><><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••

Some mystery should be left in the revelation of character in a play, just as a great deal of mystery is always left in the revelation of character in life, even in one's own character to himself.”

-Tennessee Williams

•••••••••••••••••••••••••••••

Sa mundo ng mga mortal...

Napatingin ang binatang si Deather sa kakaibang kulay ng langit. Para bang nagpapahiwatig lang ito na nalalapit ng mangyari ang nakasaad sa propesiya, ang tunay na kaguluhan.

''Kamahalan?"

''Ano 'yun Seraphina?"

''May nakapagbalita sa 'kin na natagpuan na sa isang tagong lugar sina Haidie, Sheena, Yanna at Aya ngunit ang isa sa kanila ay wala ng buhay.''

Napatingin sa kanya ang mga pulang mata ng Hari ng Kamatayan. "Sino?", tanong nito. At mababakas mo sa boses nito ang salitang 'Galit'.

Nakaramdam ng uneasiness si Seraphina dahil sa inasal ng Kamatayan. Natatakot siya sa mga pulang mata nito pero mas natatakot siya sa mga mata ni Haides. Para bang papatayin siya ng mga matang iyon.

''S-si... Haidie.''

''Ano?!"

Napapikit ang Seraphina. Ramdam niya ang galit na aura ng Kamatayan dahil nalaman nitong balita. Maski rin siya nagagalit din sa kanyang sarili dahil humantong pa sa ganito ang lahat.

''Nakakasiguro akong kasabwat ng mga pinatay ni Haides ang mga dumukot sa apat. At nakakasiguro din akong planado ang nangyari sa araw na ito, isa lang ang gusto nila iyon ay si... Haides.''

Napalingon sila parehas sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa kanila si Seraphiel.

''Seraphiel.'', ani ni Seraphina samantalang isang masamang tingin lang ang binigay ng Kamatayan dito.

''Bakit ganyan ka makatingin Kamatayan?"

''Anong ginagawa mo dito?", tanong ng Kamatayan.

''Nakarating na sa nakatataas ang balita sa panggugulo ng sampung taksil na anghel. Kaya sila naparito ay dahil para patayin din si Haides. Tsk, may nangingialam sa mga plano natin.''

''Seraphiel...'', ani ni Seraphina.

''Ikaw pala 'yan Seraphina akala ko naman tinapos mo na siya pero bakit hindi mo pa ginawa? Isa kang walang kwenta! Bagay na bagay sayo na mapunta sa hanay ng mga walang kwentang anghel ng kamatayan!", sabi ni Seraphiel sa kakambal.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon