<><><><><><><><><><>
Chapter 18: Their Past
<><><><><><><><><><>
[Part 1]
•••••••••••••••••••••••••••••
''Those who do not remember the past are condemned to repeat it.''
-George Santayana
•••••••••••••••••••••••••••••
''PAKAWALAN NINYO AKO!! PA--- AAAAHHHH!!!"
Tubig na may mga maliliit pang bloke ng yelo ang siyang nagpatigil sa kanina pang sumisigaw na dalawa.
''Sabi ko sa'yo relax ka lang dyan eh!Ayan tuloy nasabuyan kita ay este nabuhusan pala ng tubig plus may mga ice cubes pa. Ano? Ok na ba?"
''W-walang hiya k-ka!", ani ng dalaga na nanginginig na sa lamig na nararamdaman isama pa na naka-aircon pa ang kwartong kanilang kinalalagyan.
''Chillax! Wala talaga akong hiya! As the Campus Queen ng Sayhai hindi dapat ako nahihiya. See? Kaya nga diba love na love ako ng mga taga-Sayhai.''
''I-ikaw din J-Jason!"
''Tss.'', ani ni Jason.
''Oopps! Hindi mo nga pala alam ang tungkol sa amin ni Jason diba? Well...'', sabay tingin kay Jason. ''Kami ay...''
''Wala a-akong pa-pakialam sa inyong dalawa!"
''JASON!"
Agad namang kinuha ng lalaki ang timbang may lamang tubig na may mga maliliit pa ring bloke ng yelo na may halong food color na kulay pula at tsaka ito lumapit sa dalagang itinali sa upuan upang ibuhos ang laman ng timba dito.
''AAAAAAAHHHHH!!!'', sigaw ng dalaga sa lamig. Mas lalong lumamig ang tubig ng dumampi ito sa kanyang balat.
''Well, that's for today. Bukas na lang ulit. Patuyo ka ha?! Bye... Haidie.'', sabi nito at lumabas na siya kasama si Jason sa nasabing kwarto.
Naiwan namang lumuluha ang nakataling dalaga. Bakit? Bakit kailangan niyang danasin ang ganun? Ano bang ginawa niya sa dalawa?
Sa totoo lang, ang dalawang 'yun nga ang nagkaroon ng atraso sa kanya eh at isa pa, ngayon lang niya nakausap ang dalawang iyon.
''S-sino ba kayo? Anong k-kasalanan ko sa i-inyo J-joy at J-jason?", sabi niya habang nanginginig sa lamig.
•••••
''Sina Joy Tan at Jason Sy ay isinilang na kambal pero dahil sa mahirap lang ang kanilang mga biological parents ay ipina-ampon sila sa magkaibang tao. Ang mga umampon sa kanila ay pawang mga mayayamang Chinese Investors na nasa Pilipinas.''
''So kaya pala hindi sila singkit!"
''Yes, Sheena. Actually, 'yung mga umampon sa kanila ay nag-i-invest sa kompanya namin.''
''Swerte ah!"
''Eto Sheena, si Joy ay ang Campus Queen ng university na ito. Kaya siya nanalo bilang isang Campus Queen ay 'yun ay dahil sa vote buying.''
''WHAT?! Seryoso?", ani ni Sheena na nanlalaki ang mga mata sa gulat.
''Oo. Sa likod ng mala-anghel niyang mukha nagtatago ang isang demonyo.'', sabat ni Yanna sa usapan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...