<><><><><><><><><><>
Chapter 29: Questions
<><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''This chapter is full of questions to make. Questions about her... Her mystery. Who is who and what is what.''
-Yasumi Kannagi
•••••••••••••••••••••••••••••
''Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita aking Kamatayan...", sabi nito habang hinahaplos ang mukha ng Kamatayan.
''Haides huwag mo akong iwan.''
''Au Revoir...'', huling sabi ni Haides habang unti-unting naglalaho ang kanyang katawan.
''Haides! HAIDEEESSSS!!"
Napabalikwas ng bangon si Deather ng mapanaginipan na naman ang mga pangyayaring iyon. Kahit tatlong taon na ang nakalipas ay sariwa pa rin sa kanya ang mga nangyari nung unti-unting naglalaho si Haides.
Nasaan na kaya siya? Iyan ang laging tanong niya sa tuwing naaalala niya si Haides.
Nang araw na ding iyon, nalaman niyang ang katawan ni Lorraine ang ginamit ni Haides dito sa mundo ng mga mortal. Ang tinatawag nilang si Haidie ay walang iba kundi si Haides, ang Reyna ng Kamatayan.
Simula umpisa malakas na ang kutob nilang si Haidie at si Haides ay iisa pero dahil sa hindi nagpaparamdam ang presensya ni Haides galing dito ay ipinagsawalang-bahala na lang nila ito. Pero kahit na ganoon ay lumalapit pa rin sila dito para manmanan ang mga kilos nito ngunit, hindi niya naiwasan ang kanyang sarili na mapalapit ng lubusan kay Haides o kay Haidie.
Tama lang siguro ang kanyang naging desisyon noon na huwag ng paslangin si Haidie o Haides.
''Nami-miss mo na siya, hindi ba?"
Napatingin siya sa nagsalita at nakita niyang nakatingin sa kanya si Seraphina habang nakangiti. Tumango na lang siya bilang sagot.
Lalong napangiti si Seraphina sa isinagot ni Deather kung kaya't ginulo niya ang buhok nito.
''Ano ba?!", reklamo ng binata habang inaayos ang kanyang nagulong buhok.
''Oo nga pala inayos ko na ang mga papeles mo. Pwede ka ng pumunta sa pag-a-apply-an mo ng trabaho.'', ani ni Seraphina habang may binibigay ang isang folder sa binata.
''Kailangan ko bang gawin iyon?", dahil sa tanong ng binata ay nabatukan siya ni Seraphina.
''Malamang?"
Simula ng magsimula siyang hanapin si Lorraine ay dito na siya tumira bilang si Deather Blanco na isang mortal. Ibinalik na niya ang korona ng hari sa diyos ng Kamatayan pero bilang kapalit ay ibinigay naman sa kanya ang trono ng isang prinsipe sa kanilang kaharian. Ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon ay dahil sa... wala na ang kanyang reyna, si Haides.
''Alis na ako.''
''Good luck!", ani ni Seraphina habang kumakaway dito.
''Good luck sa'yo Deather! Kaya mo 'yan!"
Mula sa kung saan ay narinig niya ang boses ni Haides/Haidie. Napangiti siya. Ang mga alaalang iyon, si Haides sa Underworld at si Haidie sa mundo ng mortal. Iisang babaeng kanyang minahal.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystère / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...