Chapter 22: The Angel's Burden

85 8 3
                                    

<><><><><><><><><><><><><>
Chapter 22: The Angel's Burden
<><><><><><><><><><><><><>

 •••••••••••••••••••••••••••••

"A demon holds a book, in which are written the sins of a particular man; an Angel drops on it from a phial, a tear which the sinner had shed in doing a good action, and his sins are washed out."

-Alberic, Monk of Monte-Cassino

•••••••••••••••••••••••••••••

Hindi na alam ni Sera ang mga nangyayari. Kahit na anghel siya ng kamatayan, wala pa rin siyang sapat na kakayahan na alamin ang lahat-lahat lalo na ang pumapatay sa kanyang mga estudyante.

Sa loob lang ng isang oras ay nabawasan na naman ng lima ang mga estudyanteng kasama sa play. Katulad na katulad din ang nangyari sa mga tauhan na kanila sanang gagampanan sa play.

''Ms. Sera?"

Kung ibang play siguro ang ginawa niya baka...

''Ma'am?''

Baka... hindi nangyayari ang mga ito. Sana hindi na lang niya itinuloy dahil sa kanya, marami ang namatay. Mga batang walang kamuwang-muwang sa kanyang binabalak para sa play na ito.

''Ma'am!"

Nabalik siya sa reyalidad ng tawagin siya ni Yanna.

''Ma'am okay lang ba kayo? Namumutla po kayo?"

''Ha? Ah eh oo, okay lang ako.''

''Guys. Maglapit-lapit tayo dito sa may liwanag. Maghawak-hawak na rin tayo. Paki-usap walang bibitaw sa 'ting lahat.'', sabi ni Yanna sa kanilang lahat.

Natatakot na si Sera. Hindi niya mawari kung bakit niya ito nararamdaman. Ang play na ito ay ginawa niya upang alamin kung si Haidie ba talaga ang Reyna ng Kamatayan pero hindi niya sukat akalain na mangyayari sa totoong buhay ang kanyang isinulat.

'Kaguluhan ang maaaring mangyari sa hinaharap dahil sa ginawa mo.'

Naalala niya ang mga katagang binitawan ng kanyang kapatid sa kanya. Ngayon narealize niya na tama nga ito dahil ito ay isang anghel, hindi lang isang anghel kundi isang arkanghel ng langit.

Maya-maya pa ay biglang nawala ang natitirang liwanag sa lugar na kung nasaan sila. Lahat sila ay napasigaw ngunit nanatili pa rin sila sa kanilang mga puwesto kahit na natatakot na sila.

''Ano ba Mika? Hu-huwag ka ngang bumitaw!''

Para bang tinusukan sila ng tinik sa kanilang mga lalamunan ng marinig ang pagsigaw ng isa sa kanilang kasama. Lalo na't hindi pa rin sumasagot dito si Mika.

''Kinagat kaya ako ng lamok dito! Ang kati kati kaya!"

Tila ba nabunutan sila ng tinik ng marinig ang boses nito. Nagkaroon ulit ng katahimikan, at sa loob ng ilang minuto ay nabuksan na ulit ang ilaw.

Kung saan-saan pumupunta ang spot light. Para bang may ibig itong ipakita sa kanila kung kaya't lalo silang kinakabahan. Hindi rin nagtagal ay huminto rin ito sa puwesto ni Mika.

Bukas ang mga mata nito at nakangiti sa kanila. Nakahinga rin sila ng maluwag ng makitang buhay ito.

''I'm sorry.'', sabi nito.

''Ano ka ba? Okay lang 'yun Mika. Pinakaba mo lang kami.''

''I'm sorry.'', kasabay nun ay pagtulo ng luha nito.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon