<><><><><><><><>
Chapter 30: Again<><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''You and I will meet again, When we're least expecting it, One day in some far off place, I will recognize your face, I won't say goodbye my friend, For you and I will meet again.''
-Tom Petty
•••••••••••••••••••••••••••••
''Sino ka?", sabi nito sa isang babaeng na nakayuko sa kanyang harapan.
Isang babaeng nakasuot ng kulay itim na damit at kulay pulang buhok. Pula din ang kulay ng mga kuko sa mga daliri sa kamay nito, kakulay ng dugo.
''Huwag kang matakot di kita sasaktan.'', ani ng babaeng naka-itim.
''Pero sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?"
''Ako si...''
''Lalaine! Lalaine! Gising!''
''Huh? Sino yung tumatawag sa 'kin? Pero teka ano ulit pangalan mo?", tanong nito sa babaeng naka-itim.
''Ako ay si...''
''LALAINE!!"
''HUUUWAAAHH!!"
Napabalikwas ng bangon ang dalaga ng maramdaman ang pagdapo ng malamig na tubig sa kanyang balat. Kasabay ng panginginig ng katawan nito sa lamig ay ang mabilis na paghingal niya.
''Okay ka lang? Kanina pa kita ginigising pero waepek naman. Tulog mantika ka pa rin kaya ayan binuhusan na kita ng magising ka.''
''Ano ka ba sana di ka na nag-abala pa na mag-igib ng tubig para sa kin at tsaka nag-aksaya ka pa. Nagpadagdag ka pa ng gawain sa mga kasambahay namin. Hays.''
''Okay lang 'yan Laine. Mayaman naman kayo at tsaka kaya na nilang patuyuin 'yan. Jusko, gamit sila ng gigantic blower para dyan tapos.''
''Ikaw kaya magpatuyo kasi ikaw naman nakaisip na gumamit ng gigantic blower mo.''
''No way!", sabi nito sabay irap. ''I'm not born to do that things noh.''
''Baliw ka talaga Miche.'', sabi ni Lalaine sabay iling.
''Where's your ate na maarte nga pala?"
Bahagyang natigilan si Lalaine ng tanungin siya ng kaibigan tungkol sa kanyang kapatid na si Lorraine. Nasaan na kaya ito? Iyan ang laging naitatanong ng dalaga sa kanyang isip sa tuwing naaalala ang kapatid.
Magtatatlong linggo na ang nakalipas simula ng pagtangkaan siyang patayin ng kanyang sariling kakambal. Hindi niya alam kung bakit gusto siyang patayin nito at hindi rin niya alam kung ano ang naging atraso niya sa kapatid. Kung tungkol ito kay Jason, tanggap na ng ate niya na naging sila ng ex-boyfriend nito.
'Bakit ate? Bakit gusto mo akong patayin?'
''I don't know.'', sagot niya sa kanyang kaibigan na si Miche.
''Okay. Fix yourself na dahil after two weeks of house rest from the hospital ay start na today ng first day of work mo. Excited much?"
''Ah...eh... medyo?"
''Anong medyo with question mark? Laine, 21 ka na at this age kailangan nahawakan mo na ang kompanya. Don't worry kasi tutulungan ka namin ni Tito on how to handle this, okay? Kung saka-sakaling pinoproblema mo si evil spoiled brat bitch na di ko talaga ma-carry na kadugo mo siya hanggang ngayon eh huwag mo nang isipin pa siya. Okay?"
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...