Chapter 34: Lorraine's Past
•••••••••••••••••••••••••••••
''We cannot change our past. We can not change the fact that people act in a certain way. We can not change the inevitable. The only thing we can do is play on the one string we have, and that is our attitude.''
- Charles R. Swindoll
•••••••••••••••••••••••••••••
''Nagkausap na ba kayo ni Haides?"
"Hindi pa. Bakit Deather?", pagsisinungaling ni Sera.
"Ah wala. Paano mo nalaman na si Haides 'yun babae sa picture?"
''I can feel the presence of Haides sa babaeng iyon. Mas nauna kong nakilala si Haides kaysa sayo kaya nakaka-sigurado akong si Haides nga 'yun.''
''Okay. Sana nga magpakita na siya sa 'kin. Gusto ko na talaga siyang mayakap.'', nakangiting sabi ng binata.
'Patawarin mo ako sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon aking Kamahalan. Kaunting hintay pa. Magtiwala ka sa kanya. Babalik siya. Babalik si Haides, Kamahalan.', sa isip ni Seraphina.
Alam niyang hindi sila bibiguin ni Haides. Kahit abutin pa iyon ng matagal, may tiwala siya kay Haides na babalik ito sa takdang panahon. Katulad na lang ng magpakita ito sa kanya, hindi siya binigo nito. Nagbalik nga ang dating Reyna ng Kamatayan, ang bagong Dyosa ng Kamatayan.
"Magtiwala tayo sa kanya, Deather. Babalik siya tulad ng ipinangako niya.'', nakangiting wika ni Sera.
•••••
Samantala...
Sa lugar na kung saan naghahari ang kadiliman...
''Ibang klase talaga 'yan ina mo. Ang galing talaga magpaikot ng isip ng mga mahihinang nilalang.'', ani ni Sandro habang naglalakad paikot sa nakaupong si Lorraine.
Tuluyan na ngang nakain ng kadiliman ang puso ni Lorraine. Wala na siyang ibang hangad kundi ay ang patayin si Haides.
Si Haides na siyang umagaw ng lahat na dapat ay sa kanya.
Una, ay ang lalaking una niyang minahal,
si Deather Blanco.
First day ni Lorraine sa highschool ngayon. Pareho sila ng kanyang kakambal na si Lalaine. At bakas na bakas sa mukha nilang dalawa ang sobrang kasabikan.
"Hey Lil sis, huwag kang pupunta kung saan- saan ha. Diretso ka agad sa pag-uwi kapag nauna ka sa 'kin.", bilin ni Lorraine sa kanyang kapatid.
"Opo, ate.", nakangiting wika ni Lalaine. 'Sana laging ganito na lang si ate, kahit na... wala kami sa harap ni Daddy.'
"Tandaan mo. Kapag nasa school na tayo h'wag na h'wag mo akong tatawaging ate. Maliwanag?"
"Opo."
"Good.", ani ni Lorraine sabay labas ng kanilang sasakyan.
Pagkalabas na pagkalabas naman ni Lorraine ng sasakyan ay napatulala na lang siya ng makita ang isang makisig na binata di kalayuan sa kanya. Maputi ito at singkit ang mga mata. Kulay itim ang buhok at kahit na malayo ito sa kanya ay kitang- kita niya ang mapupula nitong mga labi. Tila ba isa itong anghel para sa kanyang paningin dahil na rin sa maamo nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mistério / Suspense''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...