<><><><><><><><><><><>
Chapter 1: Meet my Death
<><><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••••••
''No one can escape from his/her death.''
•••••••••••••••••••••••••••••••••
[Third Person's Point of View]
*tiiiinnn.....tiiiinnnn....tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnn* (tunog ng machine na nagsasabing patay na ang pasyente)
''I'm sorry but-'', naputol ang sinasabi ng doctor.
'No way!", sabi ni Haidie at napaluhod ito sabay tulo ng kanyang mga luha.
Nasa likod naman nya ang mga kaibigan nya at niyayakap sya. Pinaparamdam ng mga kaibigan nya na di sya nag-iisa, may mga tao pang nagmamahal pa rin sa kanya na handang damayan sya.
''Sorry, ginawa na namin lahat ng makakaya namin pero hindi pa rin kami nagtagumpay na iligtas sya.'', ani ng doctor habang pinupunas din ang mga mata na naiiyak din sa nangyari.
''You don't need to say sorry Doc.", sabi ni Haidie na unti-unting tumatayo mula sa pagkakaluhod kanina. Inaalalayan naman sya ng mga kaibigan nya sa pagtayo. "Oras na nya. Magpapaalam lang ako.", at umalis ito.
''Saan ka pupunta Besdie?",biglang tanong ni Sheena.
''Pupuntahan ko lang si Henry, dito lang kayo. Wag na kayong sumunod. Magpapaalam lang ako'', sabi nito at tumalikod na sa kanila.
Papunta na si Haidie sa may Operating room. Nang nasa harap na sya ng pintuan ay nagsimula ng magkarerahan ang kanyang mga luha sa pagtulo. Pumasok na sya sa loob at nilapitan ang walang buhay na katawan ng kanyang kapatid.
''Henry? Gising na! Andito na si ate...'', sabi nya habang umiiyak
Alam nyang hindi na magre-response sa kanya ito kaya umiyak na lang sya ng umiyak. Masakit para sa kanya na tanggapin agad agad ang mga nangyari lalo na't sa mismong araw ng kanyang kaarawan namatay ang kapatid nya.
''Diba sabi mo strong ka? Bakit bumigay ka agad?'', dagdag pa nito hanggang sa wala na syang masabi.
Nahihirapan na rin syang huminga dahil sa pag-iyak nya. Sa tingin nya, hindi na nya kaya. Bibigay na rin ata sya....
Nang naisip nya ang salitang 'Bibigay...' biglang nag flash sa utak nya ang mga kaibigan nya. Mga taong dadamayan sya anumang mangyari. Kaya napaurong sya sa una nyang naisip.
Ayon sa kanyang konsensya...
Ang buhay nya ay di magtatapos sa ganung paraan. Life must go on kahit na alam nyang masakit. Hindi natin pwedeng isisi sa Diyos ang lahat.
It's a challenge for us kung gaano tayo katibay. It's all part of our life so we must go to the flow of it.
May dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay dahil will yun ng ating Diyos.
Muli nyang tiningnan ang kapatid nya at niyakap kahit sa huling pagkakataon nito. Kumalas na sya sa pagkakayakap dito at tiningnan ang mapayapa nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Love on Death
Mystery / Thriller''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...