<><><><><><><><><><><>
Chapter 16: The Father?
<><><><><><><><><><><>
•••••••••••••••••••••••••••••
''It is a wise father that knows his own child.''
-William Shakespeare
•••••••••••••••••••••••••••••
''Ay bakit? Anak mo?"
''Sabihin na nating... Oo.''
''Bakit di kayo magkamukha?"
"Kailangan pa bang maging magkamukha para maging mag-ama?"
''Naku ewan ko sa iyo pero teka saan ko naman siya makikita? Ang lawak kaya ng mundo.''
''Sa Pilipinas.''
''Doon? Ipapadala mo na ba ako?"
''Hindi ka naman atat, hindi ba? Nakaayos na 'yun mga papeles mo. Pumunta ka na ng Pilipinas at kapag nakadating ka na may susundo sa iyo na tiyak na ikakagulat mo.'', sabay buga ng usok.
''Talaga ha. O siya, aalis na ako Mister. Alam na diba ng susundo sa akin 'yun gagawin ko doon. O sige paano, bisitahin mo din ang ANAK MO paminsan-minsan.'', sabi nito at lumabas na ng kwarto.
''Hmm... Susurpresahin ko na lang siya pagdating ng tamang panahon''. Maya-maya pa ay tumunog ang telepono nito na nasa mesa. ''Hello--''
''Daddy! I miss you!", sabi ng nasa kabilang linya.
''O anak! I miss you din.''
''Daddy, kailan ang balik mo?"
''I don't know sweety but...''
''But? Daddy naman.''
''Hahaha!! Okay. Maybe this year.''
''Yes! Sige Dad, I'll call you later na lang. Bye!"
''Is that's all? Okay, bye sweety.'', sabi nito at pinatay na ang telepono niya.
*knock! knock*
''Pasok!"
''Mr. Armstrong. Eto na po ang mga pictures na nakunan namin mula sa Pilipinas.'', sabi ng isang lalaking may hawak na envelope.
''Okay, pakilapag na lang sa table ko.''
Pagkalapag na pagkalapag nito ng envelope sa mesa ay agad itong lumabas sa opisina ni Mr. Armstrong. Nang tingnan ni Mr. Armstrong ang loob ng envelope na naglalaman ng mga litrato ay ganun na lamang ang ikinalaki ng kanyang mga mata ng makita ang mga imahe sa bawat litrato.
Samantala...
''Oh it's you. Ginulat mo naman ako. By the way, anong ginagawa mo dito?", sabi nito sa nilalang na biglang lumitaw sa kanyang harapan.
''Nandito ako para ika'y balaan. Alam ko ang mga pinaggagawa mo. Tandaan mo sa oras na masaktan mo siya, ako na mismo ang tatapos sa buhay mo.'', banta nito dito.
''Talaga lang? Hahaha! Hindi ko alam na mahilig ka pa lang magbiro Azrael.''
''Hindi ako nagbibiro Seraphina! Tandaan mo 'yan.''
''Ohhh.., I'm so scared naman!", maarteng pagkakasabi nito ng may biglang kumatok sa pinto ng kanyang office. Kasabay nun ay ang biglang paglaho ni Azrael na parang usok. ''Pasok!"
BINABASA MO ANG
Love on Death
Gizem / Gerilim''What if you don't have a Special Eye? Will you see him? Will you see the hidden Love behind Death? Of course NO. That's why I have this eyes. Even I die many times, I'm so lucky to have him and to be in love with him.'' -H.L.A. This is the st...