Chapter 4: The Awakening

291 13 8
                                    

<><><><><><><><><><><><>
Chapter 4: The Awakening
<><><><><><><><><><><><>

•••••••••••••••••••••••••••••••••


"A certain light was beginning to dawn dimly within her,—the light which, showing the way, forbids it."

-Kate Chopin

•••••••••••••••••••••••••••••••••
♥♠♦♣♪

Author's Note: 

Eto na sya! Wooohh! Exciting to! Pero tsaka na lang yung heavy scenes ah. Light muna para masaya. Dedicated to Hikaruchii for being an...


•••••••••••••••••••••••••••••••••

''Ang dilim!", sabi ng isang dalaga.

May narinig syang isang boses ng tao na nagmumula sa malayo. Boses ito ng isang lalaki sa tingin nya at ito'y isang pamilyar na boses.

''May tao ba dyan? Uhm? Pwede mo ba akong tulungan? Madilim kasi eh.''

''Sundan mo ang aking tinig para makalabas ka sa mundong ito.'', sabi ng lalaki.

Kahit na medyo nahihirapan ang dalaga sa paglalakad sa dilim ay sinundan pa rin nya ang boses. Sa di kalayuan ay may nakita syang liwanag.

''Eto na ba ang lagusan palabas?", tanong nya.

''Mag-iingat ka...''

''Teka nasan ka? Bakit--"

''Magmadali ka na at iligtas mo ang iyong sarili. Nasa iyong kamay ang muling pagbuhay ng ating kaharian sa hinaharap kaya't umalis ka na at magpakalayu-layo na sa mundong ito!"

Dali-daling pumunta sa liwanag ang dalaga kahit di niya alam kung sino ang nagma-may-ari ng boses na siyang tumulong  sa kanya.

''Kung sino ka man maraming salamat.''

•••••

Hingal na hingal sina Aya at Sheena na pumasok sa loob ng kwarto ni Haidie.

''A-anong nangyari?", sabi ng hinihingal na si Aya.

Ginantihan lang sya ng ngiti ni Yanna at ni Jerome pati na rin ng Doctor.

''She's okay now. Anumang oras ay pwede na syang magising.'', ani ng doctor.

''Talaga po? Wow! Thank God.'', sabi ni Sheena na kahit hinihingal ay naluluha pa rin dahil sa kanyang mga nalaman.

Naluha na din sina Yanna at Jerome.

Si Aya naman ay lumapit sa tabi ng natutulog na kaibigan na nakangiti.

''Guys? Kain muna tayo?", aya ni Sheena sa tatlo.

''Pero paano si Haidie?", tanong ni Yanna.

''Sige kumain na muna kayo.''

Napalingon ang tatlo sa nagsalita, si Aya naman ay napahawak sa bibig dahil sa gulat.

''Oh my God!!''

•••••

Nakapasok na ang dalaga sa lagusan. Naglalakad sya pero puro puti lang ang nakikita nya.

Love on DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon