Author's Note (Part 1)

422 7 14
                                    


Matagal bago ako nakapag-sulat muli. Madami lang talagang nangyari sa buhay ko. Charot. Naisipan kong gumawa ng story after kong basahin yung "The Subtle Art of Not Giving a F*ck" by Mark Manson. Isa din ito sa mga nag-push sa akin na gumawa ulit ng bagay na nakasanayan ko na. Ang magsulat.

Itong libro na ito ginawa ko siya around October and I think nakatulong ito sa akin para bumalik yung "spark" ko sa pagsusulat. Kasi for the past few months wala talaga akong gana sa lahat. I know that there's something wrong with me kaya sinubukan kong magbasa ng self-help book to gain myself again. Sa una, nahirapan talaga akong magsulat kasi parang back-to-zero talaga ako. Naninibago ako kaya you will notice that the first chapter medyo maikli kasi nag-aadjust pa ako ulit. Until, ito na yung bumubuo ng araw ko.

I am always looking forward na makakagawa ako ng isang chapter sa isang araw. Dahil doon bumalik ulit yung saya na nararamdaman ko noon, that I'm telling stories again. I'm expressing myself again, kaya kahit wala man itong magiging reader I'm still proud na may na-accomplish akong ganito. I dedicate this book to myself, reward ko na din sa sarili ko kasi this is my first time completing a book.

Since ngayon lang talaga ako nakabuo ng story, minor revisions lang ang ginawa ko, gaya ng (spelling, grammar, punctuations) gusto ko din kasi na hindi na ito masyadong baguhin kasi madalas kapag nagbabago ako ng isang chapter nagugulo na yung storya. Ngayon iiwan ko lang siya as is. Mag-seserve din itong comparison ko in the future sa mga magagawa ko pang story para malaman ko kung ano yung mga bagay na kailangan ko pang iimprove.

Sa paggawa ko ng story na ito, na-realize ko lang na pwede pala akong maging dedicated sa isang bagay and also nagbigay ito ng dahilan sakin para ma-motivate pa na maging better writer. Dati kasi panay short stories lang yung nagagawa ko, naiisip ko na hindi ko kayang gumawa ng full-book story pero heto na-challenge ako at sumubok ako para maka-experience ulit ng mga bagong bagay na babaunin ko sa buhay ko.

I hope this book will entertain everyone.
Advance thank you sa mga magbabasa nito.

I love u all. <3

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon