CHAPTER 28
Ika-20 ng Enero.
BAHING nang bahing si Cassandra habang siya'y nasa kalagitnaan ng pagkakahera sa coffee shop. Ala una pasado na ng madaling araw at kinuha niya pa ang hanggang alas tres sa trabaho.
Lumipas man ang bagong taon, hindi pa rin nagbabago ang takbo ng buhay ni Cassandra. Mahirap at panay ang kayod upang mabuhay. Nabawasan na rin ang oras niya sa internship dahil ilang linggo niya itong pinagsagaran.
"Cassy kaya mo pa ba? Mukhang babagsak ka na dahil sa sobrang putla mo ha?"
"Oo, kaya ko pa naman," tugon niya at pilit na ngumiti. Dinampot ni Cassandra ang floor mop upang linisin ang dumi na nakita. Sa patuloy na pagyuko ni Cassandra unti-unting umikot ang paningin at dumilim ang paligid.
"Cassandra!"
PUTI ang paligid at tunog lamang ng makina mula sa oxygen ang gumagawa ng ingay. Bahagyang minulat ni Cassandra ang mga mata at nakita niya si Colin sa kanyang tabi.
"Cass, oh my gosh! I'm glad that you are awake and both of you are fine!" Bulalas nito at agad hinagkan ang kaibigan.
"Bakit nandito ako? Kumain naman ako ng dinner at nag thirty minutes break."
"Pakiusap ko lang Cassandra. Alagaan mo ang sarili mo dahil hindi ka na nag-iisa."
"Ha?"
"Dinudugo ka ba?"
"Noong isang araw lang ako nag regla."
"You are pregnant, Cassandra."
Hindi nakapagsalita si Cassandra at bumagsak na lang ang kanyang luha dahil sa sobrang lungkot.
"Hindi ka ba masaya, Cassandra?" tanong Colin.
"Kawawa ang bata sa akin. Paano ko pakakainin. Magugutom siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya bubuhayin kahit gustong-gusto ko nang dumating siya sa akin," pag-iyak niya.
"Ina ka na, at alam kong kaya mo itong gawan ng paraan, Casandra. Si Vito ba, nagparamdam na?"
Umiling lang si Cassandra at mas lalong umagos ang luha sa kanyang mga mata.
"Gunggong pala iyan eh! Pagkatapos kang buntisin hindi ka na binalikan? Buhay pa ba 'yan o nagpapatay-patayan lang ha?!"
Hindi na kumibo si Cassandra at ngumiti na lang kay Colin. Nanatili pa rin si Cassandra sa ospital ng Carmelite at ni pisong duling ay wala siyang binayaran. Hinawakan ng dalaga ang kopya tungkol sa pregnancy test result. Hindi mawala sa labi niya ang labis na saya.
"Ano kaya ang kasarian mo? Vito Junior ba or Cassandra? Ano kaya ang ipapangalan ko sa'yo? Masaya kaya si Vito kapag nalaman niya na nagbunga talaga ang lahat?"
Nagdaan ang araw at nanatiling maingat si Cassandra sa kanyang pagbubuntis. She even bought food at palagi na siyang kumakain sa oras. Kahit palagi siyang nahihilo, heto at palaging nakaantabay si Dr. Floyd sa kanya.
"Here, for you," saad ni Floyd at inabutan siya ng chocolate cake.
"Oh my gosh! Thank you, tuwang-tuwa na naman ang anak ko," saad ni Cassandra at agad kinain ang binigay ni Floyd.
Floyd became more concerned about Cassandra. Hindi lang dahil naaawa ito sa estado ng buhay ni Cassandra kung 'di, mas lumalim pa ang pagtingin niya sa dalaga. Walang pinagsasabihan si Floyd tungkol sa nararamdaman niya kay Cassandra kaya idinadaan na lamang niya ito sa aksyon.
Ilang beses niyang tinanong kay Cassandra ang tungkol sa ama ng sanggol sa sinapupunan pero laging walang imik ang dalaga kaya hindi niya na muling sinubukan.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...