CHAPTER 22
Lunes.
Bumalik si Cassandra sa pagiging internship. Mainit pa rin ang balita sa mga drug addict na lumiligid sa kalsada. Si Colin naman na bantay sarado sa guards pagkatapos nangyari.
"Cassy, for you," abot ni Floyd at binigay ang isang lunch box lulan ang pagkain.
"Thank you, Doc."
"Kumusta ka naman pala? Medyo hindi kita mahuling makasama ngayon ha?"
"Eh madalas ka na man pong wala," diretsong sagot ni Cassy habang kinakain ang kanyang ibinigay.
"May itinayo kasi akong clinic kaya madalas akong wala. Pagkatapos mong kumain, bisitahin natin ang VIP patient na si General Jacob. Hanggang ngayon hindi pa rin mabuti ang kondisyon niya.
Habang kumakain si Cassandra, wala siyang kamalay-malay na ang mga mata ng doktor ay patuloy ang pagtitig sa kanya, kung paano siya kumain at kung paano ang bawat kilos niya.
"Are you still single?" wala sa wisyong tinanong ng Doktor.
"H-ha? Single pa po," pagsisinungaling ni Cassandra. "Tama ba ang sagot ko? Eh diba secret lang ang relasyon namin ni Vito?" bulong ni Cassandra sa sarili na parang diskumpyado siya sa sagot.
"Oh, marami ka lang suitor."
"Ah oo," pilit niyang sagot at tinapos ang pagkain. "Tara na po ba Doc?"
Sa pagtayo ni Cassandra, agad sumunod si Floyd sa kanya. Hindi naman maiwasan ng dalaga na matawa habang ang mga kinukuwento ni Floyd na ang ilang pasyenteng matigas ang ulo ay ayaw magpaligo. He also likes seeing Cassandra's smile. Mas lalo itong gumaganda at kumikislap ang mga mata.
Nang makapasok sila sa loob ng VIP room ni General Jacob. Halos mawala ang ngiti ni Cassandra nang makita si Vito. Tutok ang mga mata nito sa kanya at masama rin ang tingin sa Doctor.
"Dr. Buenaventura! You actually have a beautiful interns here!" Bungad ng General at natawa na lang si Cassandra. Ngunit pakiramdam niya'y matutunaw na siya kay Vito.
"Oh yes! By the way, she's Cassandra Cordova. Candidate for Summa Cumlaude at isa rin sa magagandang future nurses sa Carmelite," pagmamayabang ni Floyd.
"Oh really? Keep up the good work, hija. Well, how about Major General Valentin? Alam kong matinik ka sa babae. His standard is better... siya naman ang sundalo na habulin ng mga babae," pagpapakilala ni General Jacob. Biglang ngumiti si Vito pero alam ni Cassandra na ngisi ito at may halong pang-aasar.
Tila apektado ang dalaga sa mga sinabi ni General Jacob.
"Of course, General Jacob. Halos lahat naman ng babaeng sundalo sa akin nakatitig," lakas loob na sinabi ni Vito.
"Ah talaga po? Dito naman si Dr. Buenaventura. Mabait, gwapo at higit sa lahat gentleman din. Oops, hindi rin masungit. Kahit nga po matatanda nagkakagusto sa kanya. Paano pa ako, diba?" naging tugon ni Cassandra. Ngunit sumagi sa isip niya na mukhang mali ang huling pangungusap na kayang sinabi.
Muli siyang napatingin kay Vito at yumuko lang ito habang nagtatagis ang mga panga.
"Pwede bang lumabas na muna sila pagkatapos ka nilang tingnan, General? Kailangan pa natin mag-usap," seryosong sinabi ni Vito.
"Yes, after this aalis din kami," sabat ni Dr. Floyd.
Nang matapos ang check-up ni Heneral Jacob, lumabas na si Dr. Buenaventura kasama si Cassandra. Hindi naman nagkakamali si Vito na makita niyang hinawakan ng lalaki ang baywang ng kanyang nobya.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
AcciónCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...