Kabanata 43-

2.2K 109 24
                                    

CHAPTER 43

Naging emosyonal ang pagtapak ni Cassandra papalapit sa puntod ni Vito. Inilagay niya ang kuha ng kanilang anak mula sa Ob-gyne.

"Vito, may Junior na tayo. Kumusta ka na, mahal ko? Naririnig mo pa rin ba ako kahit na abo ka na lang? Gustong-gusto kong isunod ang pangalan mo sa anak natin. Pero sa palagay ko hindi ako makakapag-move on kung ito ang pangalan niya. Should I name him Dior Vincent Valentin? Bagay ba?" ngumiti si Cassandra at hinimas ang kanyang t'yan nang maramdaman ang pagsipa ng kanilang anak.

"Vito sumipa si Dior! Naku, baka paglaki mo anak katulad mo na ang Papa mo. Pero bawal kang mag sundalo, baka iwan mo ako," mapait ang kanyang ngiti hanggang sa halikan ni Cassandra ang lapida ni Vito bago umalis.

"I love you, Don Vito. I miss you so much my boss, Mr. Sungit at asawa ko. Pagbalik ko rito, sisiguraduhin kong nasa kamay ko na ang hustisya para sa'yo."

******

Tamis na tamis ang ngiti ni Tobias habang nakaupo at nagpapahinga pagkatapos ng training. Mataas ang grado niya sa mga sundalo dahil sa galing niya sa paghawak ng baril.

"Come on, mas mataas pa na kalibre ng baril ang nahawakan ko. Anytime, I can bomb you guys," bulong niya sa sarili at ngumiti nang makita si Russ na halos katatapos lang din na sumabak sa ikatlong pagsubok.

"How was it?" tanong ni Tobias.

"It was fine. This is just basic training compared to our organization."

"Paanong hindi ka tatapang at lalakas kung sa riot ka nagsimula? Kung magbarilan na lang kaya sila baka siguro lumakas ang stamina ng mga trainee," pagmamaliit ni Tobias at tumawa ng nakakaloko.

"Boss, I still don't have traces with Don Vit—"

"Fuck it, Russ! Huwag mong binabanggit ang pangalan na iyan lalo na't nandito na tayo sa DLPA. We entered this fucking business with a clean slate kaya hindi pupwedeng masira ang lahat ng plano."

Habang nasa kalagitnaan ng pagpapahinga si Tobias at Russ, biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Tumayo si Tobias at lumayo ng konti dahil si Mr. Lee ang tumatawag.

"Good morning, Mr. Lee!"

"You fucking failed again?! When will you become a perfect Mafia boss?! Our secret transaction came into a buy-bust operation! El Asesino ruined my business! You fucking need to cut his life our or else, I will be the one to end your organization and your life!"

Tiklop ang dila ni Tobias dahil hindi pa rin tapos ang trabaho niya. Pinahupa lamang ng ilang buwan ang maayos niyang transaksyon ngunit ngayon na nagpaparamdam na naman ang El Asesino.

"Russ!" Bulalas niya at halos tumaas na ang prisyon ni Tobias sa sobrang galit.

"Yes, boss?"

"Look for El Asesino's boss! Nalimas ang operasyon natin! Hindi lang si Vito ang problema natin, ito pang organisasyon na ito!" Halos sumabog na ang kanyang dibdib sa sobrang kaba dahil siguradong mawawalan na siya ng international supplier kung magkakasira sila ni Mr. Lee.

******

Ilang maleta ng pera ang nakabalandra sa opisina at halos ipaligo niya ang pera sa mga tauhan na nakapila sa kanya.

Itim ang buong damit. Takip pati ang kamay at tanging mga mata lamang ang nakalabas.

"Boss, maraming salamat po rito!"

"Enjoy the money at kung mas huhusayan niyo mas marami kayong pera na matatanggap," giit nito at ngumisi

Nang matapos sa pamimigay, isinara niya ang opisina at humarap sa swivel chair.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon