CHAPTER 45
The flashback. Marissa & Don Vito
"Marissa!" Sigaw ni Tobias at hinablot ang kanyang kamay.
"Tama na, Tobias. Tigilan mo na ang kahibangan sa akin!" Bulalas niya at bumitaw sa kamay ng binata.
"I've always wanted you, hindi ko naman gusto na makasal ang Ama ko sa Mama mo!"
"Tigilan mo na ito dahil sa mata ng magulang natin, magkapatid na tayo. Magmula nawala sila, tayo na lang ang inaasahan nila."
"How about our planned transactions?"
Ngumisi si Marissa at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "You just like me because of the hidden wealth. Kaya tama lang na tinigil na natin ang maling relasyon!"
Hindi nakapagpigil si Tobias at hinablot ang baba ni Marissa. "I said, I love you! Pero hindi ibig sabihin nu'n na hindi ka na susunod sa mga pinagkasunduan natin!"
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ni Marissa at buong lakas na tinulak si Tobias. "I will enter the PPD for our parent's business, not because of you! Bumagsak na ng ilang beses ang Black Umbrella pero kung hindi dahil sa akin baka wala ka sa kinatatayuan mo ngayon."
Humaglpak sa katatawa si Tobias at umupo sa kanyang lamesa. "Poor Belladonna Food Corporation."
Muling ngumisi si Marissa at taas noo na hinarap si Tobias. "Na-ipit lang ang Mama ko dahil sa panggigipit ng Tatay mo noon. Kaya hindi ko rin akalain na mahuhulog ako sa isang taong tulad mo! Magkakampi tayo pero ikaw pa mismo ang umaahas sa negosyo na ito! Pakatandaan mo, Tobias. Huwag na huwag mo akong pakikialaman sa magiging trabaho ko sa PPD. Dahil kapag ginawa mo iyon, damay-damay tayong lahat dito!"
Tila napipi si Tobias at hindi nakapagsalita sa mga binatong salita ni Marissa. Tunay na kinabaliwan niya ang dalaga noon at nagsimula ito noong katorse pa lamang sila. Ngunit dahil sa umuusbong na ilegal na transaksyon ng pamilya nila Tobias, lahat ng malalaking food corporation ay kanilang ginigipit upang maipasok sa mga delata ang lahat ng droga.
Kilala sa pangalan Tobias habang nagtatago sa pagkatao na Thiago Sta Cruz. Sa maagang edad, agad nilang pinasok ang buhay sindikato dahil sa kanilang mga magulang na pinasahan din mula sa mga ninuno.
Ang Belladonna Food Corporation na dating tahimik na negosyo ay naging isa na rin sa mga sumasalo sa negosyo ng Black Umbrella.
Hawak ang baril at inilagay ito ni Marissa sa kanyang binti. Postura sa kanyang uniporme pang Pulis at hinahangaan ng marami dahil sa tapang, talino at likas na kagandahan ng dalaga.
Sumakay siya sa kanyang sasakyan upang kitain ang tagong relasyon sa isang sundalo na parte ng kanyang misyon.
Sa ilang minuto na lumipas, narating niya ang tagong lugar kung saan sila madalas magkita.
"Don!" Bulalas niya at sinalubong ng mainit na halik ang nobyo.
"Good to see you, my lovely baby..." buong tamis na sinabi ni Vito at inakbayan ang nobya. "How's your day at PPD? Marami na naman bang nahuling dealer?"
"Yes, successful naman ang operation ng buy-bust."
"Marissa..." tawag ni Vito.
"Hmm?"
"Kailan magiging opisyal ang relasyon natin sa publiko?"
"I hope you will understand, Vito. Mas magiging delikado kung ipapaalam natin ang relasyon na ito. Pareho tayong nag-aalmusal ng death threats dahil sa mga nakakabanggaa na kalaban. Ayoko lang na madamay ka dahil marami rin ang galit sa akin."
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...