Chapter 11
ALAS-SAIS na ng umaga at gising na gising pa rin si Vito. Binabantayan lang niya si Cassandra.
"And now, I am hooked. Paano pa ako makakawala kung mahal mo na ako? How can I say I love you if I still have hesitations?"
Dahan-dahan na bumangon si Vito at isinuot ang pantalon. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang tagong relasyon nila ni Cassandra. Kapag inilabas niya si Cassandra, siguradong mamemeligro ang buhay nito sa mga nakabangga niyang kalaban. Ikinatatakot pa niya kung matuklasan ni Cassandra ang El Asesino Mafia. Siguradong hindi matutuwa ang dalaga sa kanya.
"Vito," bulong ni Cassandra.
Biglang tumayo ang binata dahil kinakapa-kapa siya ni Cassandra habang nakapikit. "Hey, little lamb. Matulog ka pa."
Hindi muna sumagot si Cassandra at ngiti lamang ang ibinalik. "Para akong malulunod sa kulay ng mga mata niya. Wala kang katulad," bulong ni Cassandra. "Tell me about your parents, Don Vito."
"Kailangan pa ba iyon?" kunot-noo na tanong nito.
"I am curious about your eye color kung kanino nagmana?"
"From Mom. That's it. My father is a Filipino. Latak na lang sa mga ancestors na Albanian on his side."
"Really? Ano'ng lahi ng mama mo?"
"Spanish-Italian."
"Oh, Spanish sardines ka pala. Ang dami mong halo, kaya pala ang gulo mo," pagbibiro ni Cassandra kaya napamulat ng mga mata si Vito at ngumiti.
"Pero kitang-kita mo naman sa kutis ko na Pinoy ako. You are a woman full of jokes. Kumusta ang internship?"
"Okay naman. Naduwal lang ako sa dugo kanina. May suicide bomber kasi at tinakbo sa ospital ang ilang nakaligtas na pasahero."
Habang nagkukuwento si Cassandra, gustong-gusto nang tumayo ni Vito at hanapin ang lider ng gumawa niyon. Tila nag-init ang puwitan ni Vito na tawagan si Chino upang makibalita sa pangyayari. Ilang sandali ay nakapagdesisyon siyang mag-iwan na lamang ng text.
"May lead na ba?" tanong ni Vito.
"Wala pa. Under investigation po," a reply from Chino.
"Tang ina, ang kupad talaga," bulong ni Vito at napairap na lang.
"Payapa na ba sa Mindanao?" biglang tanong ni Cassandra.
"Hindi ko masabing oo dahil kakaiba ang isip ng mga terorista. Hangga't hindi nahahanap ang lider ng grupo nila, hindi ito matatapos."
"Gusto ko nang maging sundalo para kasama kita sa giyera."
"Huwag na. You stay at home."
"No, I want to become one!"
"Okay, stubborn. Get up. Baka ma-late ka pa."
"I will not go to the hospital now. Masama pa rin ang pakiramdam ko."
Kinapa ni Vito ang leeg at noo ni Cassandra. Napakainit nito. Napansin din niya ang pamumula ng mga mata nito.
"Punta na lang tayo sa bahay mo?" tanong nito.
"No. Let's just stay here all day."
"No, I wanna go out with you. Tara na!"
"I will get your temperature. Kapag bumaba ang lagnat mo, aalis tayo. But if not, we will stay here."
Tumango si Cassandra habang nakaupo at takip ng kumot ang katawan. Nanatili lang ang dalaga sa puwesto niya at gustong-gusto na pinagmamasdan ang likuran ni Vito.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...