CHAPTER 73
For how many years from being comatose, tila dumaloy ang nag-iinit na dugo ni Chino at biglang bumukas ang magkabilang mata.
“Colin…” una niyang binanggit at kusang umagos ang kanyang luha sa magkabilang mata. Hindi niya mapigilan na umiyak, kahit anong pilit niyang itaas ang kamay, wala pa rin itong galaw.
“Colin… Colin!” Sigaw niya ng paulit-ulit hanggang sa pumukaw sa atensyon ng mga gwardya ang ingay mula sa loob ng kanyang tinutuluyan.
“Sir Chino!”
“Gising na si Sir!” Bulalas ng ilang gwardya at dali-dali nilang tinawagan si Charish upang makita ang kanyang kapatid.
Mula sa mansyon, inaayos ni Charish ang lahat ng gamit ni Mr. Levi upang ma-isara o magkaroon ng seguridad na walang makikialam sa mga gamit nito habang siya’y nasa therapy. Habang siya’y nasa kalagitnaan ng paglalagay ng bala sa kanyang baril, pumukaw sa kanyang atensyon ang tumunog sa cellphone.
“Hello? May problema ba?” bungad niya.
“Ma’am, kinakailangan niyo na pong pumunta rito! Sir Chino is awake! Panay po ang pag sigaw niya!” Pagpa-panic ng gwardya kaya na alarma si Charish at mabilis na dinampot ang gamit.
“Ms. Cha! Saan po kayo pupunta?” tanong ni Manang Tes.
“Secure the mansion. Mag-iingat kayo rito!” Malayo niyang tugon at hinagkan ang punong kasambahay.
Nang marating ni Charish ang sasakyan, mabilis niya itong pinatakbo para lamang madatnan ang kapatid niyang gising. Ura-urada rin niyang tinawagan ang Doctor ng El Asesino.
“Kuya, maghintay ka lang at magkikita rin kayo ng pamilya mo. Colin is waiting for you lalo na ang anak niyong si Nathalia,” kinausap niya ang sarili at kusang pumatak ang luha ni Charish. Sa tagal ng panahon, ngayon lamang sila makakapag-usap ng masinsinan ng kapatid.
******
Payapang nakahiga si Cassandra sa kanyang kwarto at inilipat dito si Dior. Hindi bumibitaw ang kanyang anak kahit na tulog na ito. Lalo ang unang regalo na binigay ng kanyang ama na stuffed toy. Pangiti-ngiti lang si Cassandra habang nilalakasan ang loob para sa kondisyon ni Vito.
Kalaunan, nakaramdam ng inip si Cassandra at pagtingin niya sa kanyang cellphone, nakita niyang tatapak na ng alas sais ng gabi. She managed to stand up nang hindi nagigising si Dior. Sumilip si Cassandra sa bintana upang huminga, pero hindi niya inaasahan na makita ang tatlong itim na van. Nagmadaling lumabas ang mga armadong lalaki at biglang sumukob si Cassandra nang paulanan ng bala ang kanilang bahay. Maagap na hinatak niya ang anak at tinago sa kanyang kama.
“Mama! Mama!” Paulit-ulit na sigaw ni Dior habang nakatakip ang tainga. Nanginginig ang buong katawan ng bata sa sobrang takot.
“Anak, huwag kang matakot! Nandito ako!” Gumapang si Cassandra dahil wala pa rin tigil ang pambabaril sa kanyang bahay.
“Mama! Don’t leave me!”
Gumapang si Cassandra at hinatak ang kanyang M16 rifle gun na kanyang tinatabi sa ilalim ng cabinet. Ngunit sa kanyang pagtayo, narinig niyang nagkaroon ng putukan sa labas. Nakakuha ng tsempo si Cassandra at gumapang papunta sa sala.
“Anak, don’t move! Trust me!”
Lakas loob na sumilip si Cassandra sa bintana at pinaulanan ng bala ang kanyang mga kaaway.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
AcciónCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...