CHAPTER 86
Mula sa loob ng sala, binalibag ni Vito ang telepono pagkatapos tumawag ni Chino. Tila tumaas ang balahibo ng mga kasambahay nang makita ang bagsik ni Vito.
"Mitoy!" Dagundong niyang pagsigaw.
Kaagad tumakbo si Mitoy nang tapikin siya ng kasamahan na gwardya. "Boss? Ano po ang maipaglilingkod ko?"
"Drive me to Colin's house now! Ihanda mo ang El Asesino! No one should ever see me going there!"
"Ngayon na po?"
"Malamang!" Sigaw ni Vito.
Napalabas si Cassandra nang marinig niya ang malakas na boses ni Vito. Hanggang sa makita niya itong kinuha ang baston mula sa wheelchair at naglakad papunta sa ika-lawang baitang.
"V-Vito? Bakit basag ang telepono? Bakit ka sumisigaw? Anong nangyayari?"
"Sir! Sir! Headline na po sa balita ang pagsugod ng Black Umbrella sa bahay nila Ma'am Colin!"
Bumilog ang mga mata ni Cassandra at akmang lalabas pero tinulak siya ni Vito at mabilis na sinara ang pintuan.
"Vito! Ano ba?! Buksan mo ang pintuan!" Sigaw ni Cassandra.
Vito pressed his secret button to lock his room. From his two windows and two doors that includes the terrace. Panay ang sigaw ni Cassandra at kinakalabog ang pintuan
"Vito! Pakawalan mo ako! Please let me go out!"
Kinuha ni Vito ang cellphone at sinimulang magsalita habang nakatingin sa CCTV. "You stay here, you are pregnant at wala kang dapat ikabahala. El Asesino ang bahala sa kaibigan mo."
Mula sa loob ng kwarto, narinig ni Cassandra nang napakalinaw ang boses ni Vito. Tumingin siya sa ceiling at hinahanap ang mga surveillance camera.
"Vito! Pakawalan mo ako! I want to see my friend! Vito!"
Nagmadali si Vito na makasakay sa sasakyan at dito'y kasama niya ang ilang backup para sa kanilang seguridad. Gigil na gigil si Vito dahil kung wala ang mga gwardya at pati si Chino, siguradong gagawing kasangkapan ang pamilya ni Colin para sa kanilang pagsuko.
Sa ilang sandali na pagbiyahe, takip ang mukha ni Vito na pumasok sa loob ng bahay nila Colin. Naabutan niyang nanginginig sa sobrang takot ang ina nito pati na si Nathalia habang nakayapos sa lola.
“Are you okay? Wala ba talagang nasaktan?” tanong ni Vito kay Chino.
“Wala po, Boss. Kaya ko naman po silang ipagtanggol. Teka po, si Mrs. Valentin?”
“Ikinulong ko.”
“Bakit po?’
“Parang hindi mo kilala si Cassandra. Buntis siya pero gusto niyang makigulo rito. Hindi siya makakakawala dahil wala naman siyang gagamitin para mabuksan ang pintuan ko."
Nagkalat ang gamit ni Vito nang halukayin ni Cassandra ang kailailaliman ng secret drawer nito. She found a high calibre of gun pagkatapos ay tinutok sa censor ng pintuan.
“One, two, three!”
Pikit ang isang mata at pinutukan ni Cassandra ang pintuan. Umalingawngaw ang pulang ilaw sa paligid na ngayon lang niya nakita. Nakalabas ng kwarto si Cassandra ngunit ang mga tao sa mansyon ay nagkagulo dahil sa sobrang lakas ng alarm.
“Ma’am Cassandra! Anong nangyayari?!"
“How can I turn this off?!” Bulalas ni Cassandra at tumakbo papasok sa kwarto ni Dior.
“Mama! Ano po ang nangyayari?! Natatakot po ako!”
“Don’t be scared, nagkamali lang si mama na buksan ang pintuan.”
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
ActionCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...