Kabanata 67-

2.1K 123 54
                                    

CHAPTER 67

Kitang-kita ni Levi kung paano nagalit ang private nurse sa kanya. He can't barely understand dahil si Cassandra lang ang lumalaban at sumasagot ng pabalang sa kanya.

Levi can't drive car dahil pasumpong-sumpong ang tuhod niya. Pero ngayon, sinubukan niyang lumabas at walang pakialam sa mga guard. Bitbit niya ang kalibre kwarenta y singko na baril at tinakot ang mga gwardya upang hindi siya sundan. Habang tinatahak ni Levi ang kalsada, may halong kaba ang puso niya dahil nararamdaman niya ang kirot na nanunuot sa kanyang katawan.

"Nurse?" na pa-preno na lamang si Levi at dali-daling kinuha ang baston. Ika-ika siyang naglakad hanggang sa mapuntahan niya ito.

"Hey, wake up. Stubborn nurse!" Bulalas niya. Hinawakan ni Levi ang leeg nito at nalaman niyang napakataas pa rin ng lagnat nito. Lakas loob na binuhat ni Levi si Cassandra kahit kamuntik pa siyang masubsob sa kalsada. Hiniga niya ito sa backseat at bumalik sa sasakyan upang makauwi.

Halos mapanganga ang mga gwardya lalo na si Manang Tes nang makita nilang binitbit ng amo ang nurse nito. Kinakabahan sila sa lagay ni Levi, dahil isang pagkakamali lang nito, habambuhay na siyang hindi makakalakad.

"Manang Tes!" Sigaw ni Levi at agad nagtakbuhan ang mga kasambahay.

"Dress her, iyong hindi siya malalamigan. Wipe her joints para na rin sumingaw ang init."

Tumango at sumunod na lamang sila at ang mga tingin ng kasambahay ay pare-parehong nagtatanong. Sa paglabas ni Levi ng kanyang kwarto. Nagsimula ang bulong-bulungan ng mga kasambahay.

"Ma'am, bakit parang special si nurse Cassandra?"

"Oo nga po eh? Never pa tayo inutusan ni boss na bihisan ang isang babae dahil siya mismo ang naghuhubad sa mga dinadala niya rito."

Hindi nakapagpigil si Manang Tes na hampasin ang braso ng isang kasambahay. "Malisyosa ka! Magtrabaho ka na nga!"

"Eh manang, totoo naman po kasi. Sa tagal ng panahon ko pong nagtatrabaho rito mula pa sa America. Ngayon lang sumubok si Sir na magmaneho isa pa ha, binuhat niya itong nurse! Baka naman type ni sir kumpara kay malditang Cathy."

"Are you guys done?! O magtsi-tsismisan pa kayo sa kwarto ko?!" Sigaw ni Levi kaya nagulat ang tatlong kasambahay. "Tapos na ba?"

"Opo, lalabas na kami."

Nang maiwan sa loob ng kwarto ang dalawa. Umupo lang si Levi sa harap ng kanyang laptop para magtrabaho. Pero habang tumatagal siyang tutok sa monitor, bigla na lamang siyang sumulyap kay Cassandra. Bumiling ito at bumaluktot kaya nakaharap kay Levi ang maganda nitong mukha.

Out of the blue, he took his pencil and sketchbook. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha ni Cassandra hanggang sa biglang pumintig ang sentido. Ang bawat tawa at mga boses ng isang babae na bumabagabag ay naririnig na naman niya. Hindi natuloy ni Levi ang sketch at sumukob sa lamesa.

"Sino ka ba? Bakit ginugulo mo ang isip ko?" sinabunutan niya ang sarili. He tried to relax himself and took a deep breath bago tumayo. Pero sa pagtayo na ito, narinig niya ang maamong ungol ni Cassandra. Kitang-kita niya na hinatak nito ang kumot at nanginginig sa sobrang lamig.

"Hm..."

Nagmadali si Levi na patayin ang aircon at lumapit kay Cassandra. He held her hand and blew it. Ito lang ang naisip niyang paraan para uminit ang pakiramdam ni Cassandra.

"Hey, nagchi-chill ka na," giit ni Levi at kinamot ang ulo. He took off his shirt at tumabi kay Cassandra. Napalunok at parang ayaw niyang hawakan ang babaeng kaharap. Pakiramdam niya'y mababasag niya ito na parang manipis na salamin.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon