END OF BOOK I

2.4K 110 36
                                    

CHAPTER 40

The Wedding Day.

NAKALATAG lahat ng susuotin ni Cassandra sa kama kung saan siya dinala ng mga gwardya. Madaling araw pa lamang at naramdaman niyang wala na si Vito sa tabi niya hanggang sa dinala siya ng mga gwardya nito sa isang hotel. Nakatapat at kitang-kita ni Casssandra ang sarili sa salamin habang nilalagyan ng kolorete ang maganda niyang mukha. Panay ang ngiti niya dahil napakabait ng mga nag-aasikaso sa kanya lalo na ang wedding gown na kanyang susuotin.

Dyamante ang alahas at walang mura na gamit ang ibinigay ni Vito sa kanya. Everything is expensive at hindi niya akalain na sobrang bibigyan siya ng halaga ni Vito. On the other hand, hindi niya maiwasan na lumuha habang pinagmamasdan ang sarili. Naging emosyonal si Cassandra habang hawak ang sinapupunan.

"Anak, natupad na ni Mama ang lahat ng pangarap. I have my diploma, your father and you. Hindi ako magiging pabayang ina. Gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa ng Papa mo. Excited na akong lumabas ka, baby," bulong niya at napansin ng make-up artist ang pagluha niya. Muling inayos ang kanyang eye make-up hanggang sa pinatayo siya ng mga ito upang isuot ang Filipiniana wedding gown.

"Napaka ganda niyo po, ma'am," tugon ng isa pang empleyado habang pinagmamasdan ang hubog ng kanyang katawan.

Para bang hindi buntis at dalaga pa rin ang pangangatawan ni Cassandra. Ang inosente niyang mga mata na nakapagpadagdag sa kanyang ganda, parang namumukadkad na bulaklak.

"Can I call my husband?" Tanong niya sa assistant na hawak ang bag niya. Agad naman nitong kinuha ang cellphone at inabot sa kanya.

She dialed his number. "Vito!" Tili niya mula sa kabilang linya.

"Are you excited, Mrs. Valentin?"

"Of course, Don. Pwede na ba kitang makita? Namimiss na kita."

"Mamaya, hihintayin kita sa simbahan. After that we are going to make love every second."

"Talaga naman! Iyan ang habol mo ha!"

"You are my favorite type of tahong."

"Nako, Vito ha! Iba ka talaga."

"Tapos ka na ba? Pumunta ka na rito. Lahat ng sundalo nandito. Mapuputukan na ako!"

"Ako na lang... joke!" Malokong sinabi ni Cassandra kaya dinig niya ang lakas ng tawa ni Vito.

"Tristan is here. Si Chino nagtatago dahil nandito si Colin."

"Vito, safe ba ako sa guard mo?"

"Yup, walang mangyayari at walang nakakapigil sa kasal natin... oh wait! Dr. Floyd is here too."

"Wow ha? Tinawag mo rin siya ng pormal."

"Of course, mabait naman pala at kasundo ni General Jacob. That's why I decided not to give him different kinds of bullets."

"Vito..."

"What?"

"I love you to the moon and back."

"I love you more, Cassandra Valentin. You are the most beautiful woman who took away my heart. Come here na, I can't wait to marry my soulmate."

Sa pagbaba ng linya, sumunod si Cassandra sa mga empleyado at isinakay siya sa magargong sasakyan. Everything is safe dahil bullet proof at armado lahat ng kanyang kasama. May escort din si Cassandra sa likuran ng sasakyan at mga motor. She felt special at daig pa niya ang first lady sa kanilang kasal.

Handa na ang lahat at pawang mga naka uniporme ang mga bisita. Mula sa mga kababaihan na sundalo at kalalakihan lalo na ang mga bigatin na dumalo sa kanilang kasal. Hindi ito inaasahan ni Vito dahil gusto lamang niya na magkaroon ng simpleng kasal ngunit si Jacob ang susi sa lahat ng mga kaganapan na ito. Tuwang-tuwa siya makita ang anak ng kaibigan na ikakasal na sa babaeng para sa kanya.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon