CHAPTER 87
Kumakabog ang puso ni Cassandra dahil sa sobrang kaba habang nakasalang si Dior sa laboratory test. Hindi binitawan ni Vito ang kamay ng asawa habang sila'y naghihintay.
"Kaya na ba ni Dior?" Tanong ni Cassandra.
"He can do it. Ito na ang pagkakataon para mabago na ang puso ni Dior. Don't worry about the security. I paid this hospital just to secure our son. Even the CCTV personnel are my employees."
"Kaya pala ang lakas ng loob mong maglakad nang walang takip sa mukha."
"There's no need to hide, Cassandra. Don Vito Valentin is back, at iyon ang kailangan nilang malaman. They tried to kill me."
"But what if they spill the evidence about you and El Asesino?"
"Nothing to worry about, Cassy—" naputol sa pagsasalita si Vito nang marinig niya ang cellphone and it was Mitoy.
"I'll answer this call, babe," paalam ni Vito at nag-iwan ng halik sa kanyang noo.
Tumango naman si Cassy. "I love you, Vito."
Napaharap si Vito at hinawakan ang kamay ni Cassandra. "I love you, Mrs. Velentin," paghakan ni Vito hanggang sa makita nila si Chino na lumapit kay Cassandra.
"Kumusta po si Dior?" Tanong ni Chino kay
"Naghihintay pa ako ng resulta, si Colin at Nathalia?"
"Bantay sarado pa rin po ang bahay. Don't worry, protektado po ang pamilya ko," tugon ni Chino kaya naging panatag si Cassandra para sa kanyang kaibigan.
Patuloy ang paglalakad ni Vito hanggang sa magkita sila ni Mitoy. Galing ito sa kanyang mansyon at bitbit ang isang document parcel.
"What's this?"
"Ipinadala po sa bahay at ang gwardya ang nakatanggap. Mukha pong importante."
"Walang nakakaalam sa address kong ito, kundi si Cathy."
Kinutuban at sumakay si Vito pabalik sa bullet proof van. Agad niyang binuksan ang plastic at tumambad sa kanya ang ilang litrato ng magkakapatid.
Patuloy itong tiningnan ni Vito hanggang sa bumulaga sa kanya ang city mayor na pumatay at gumahasa sa kanyang ina. Inilipat niya pa ang ilang litrato at natagpuan ang dalawang batang babae.
"What?!" Bulalas niya nang makita ang litrato ni Marissa at Cathy.
Halos basagin ni Vito ang salamin ng sasakyan nang dumapo ang kamao niya rito.
"Si Cathy ba ang may pakana nito? Sinundan niya ako sa Amerika para maghiganti? It means, hindi ko talaga anak ang dinadala niya. She's using me. Sinisira niya kami ni Cassandra!" Bulong ni Vito sa sarili.
Sa muling paglipat ni Vito, nagulat na lamang siyang makita ang litrato ng mag-ina. Biglang sumagi sa isip niya ang ipinakita ni Cassandra noon sa kanya mula sa isang multimedia message. After he flipped the picture, it was Cassandra's picture with a note.
"Played and manipulated. What do you feel while falling in love with your enemy, Don Vito Valentin?"
Bumagsak ang luha sa magkabilang mata ni Vito habang nakatingin sa mukha ni Cassandra. Muli niyang kinalkal ang dokumento hanggang sa bumalandra ulit sa kanya ang imahe ni Cassandra na may dugo kasama si Dior pati na ang isang sulat—"Kill your wife."
Galit na nilukot ni Vito ang ipinadala sa kanya at initsa sa likod ng sasakyan.
"Mitoy, call Chino and Charish. Hindi ko na palalampasin ang araw na ito! At sabihin mong huwag nilang sasabihin ito kay Cassandra.”
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...