CHAPTER 59
Madaling-araw nang kinalabog ang pintuan ni Cassandra sa tinutuluyan nilang hotel ni Dior. Sa pagbangon ni Cassandra, sumabay sa kanya si Dior at nagtalukbong ng kumot dahil sa sobrang takot. Walang tigil ang kabog ng pintuan hanggang sa sinilip na niya ito sa peephole ng pinto.
Hindi siya nagkakamali na makita ang ilang miyembro ng DLPA sa labas. Agad niya itong binuksan.
"Anong nangyayari?"
"Ma'am, kailangan niyo pong sumama sa amin."
"Bakit? Ang asawa ko? Hindi ba't kasama ka niya nitong umalis siya?"
Yumuko ang sundalo at inabot ang sulat mula sa Presidente. Nanginginig ang kamay ni Cassandra habang binaba ang liham para sa kanya. Unti-unting bumuhos ang luha niya habang binabasa ang pangalan ni Timothy.
"Hindi totoo ito!" Sigaw niya pagkatapos ay nilukot ang papel at tinapon sa mga sundalo.
"Kailangan niyo na pong lumikas dahil kung hindi, kayo ang pupuntiryahin ng El Asesino."
"Hindi totoo iyan! Hindi!" Halos matumba si Cassandra sa balita na kanyang natanggap. Si Dior na umiiyak at nakasukob sa loob ng kumot. Habang tumatagal ang paninging ni Cassandra ay bigla na lamang nagdilim hanggang sa tuluyang sinalo ng sundalo na nagbabantay sa kanya.
Kinuha rin ng mga sundalo si Dior at binuhat kasama ng kanyang ina. Ngawa nang ngawa ang bata habang buhat-buhat ito hanggang sa makalabas ng hotel. Dinala silang mag-ina sa helicopter para sa mas mabilisang pag-alis.
Pagtapak nila sa Manila, kaagad dinala sa ospital si Cassandra. Sinalubong siya ni Floyd at siya mismo ang nag-alaga kay Cassandra pati kay Dior. Tila nagkagulo ang tanggapan ng PPD at DLPA dahil sa brutal na pagkamatay ni General Timothy Dela Cruz. Dagdag pa ang paghahanap nila sa nawawalang ulo nito.
Sa loob ng dalawang oras na walang malay si Cassandra, pagmulat ng kanyang mga mata, bigla na lang siyang tumayo at binunot ang dextrose sa kamay. Lumapit siya kay Dior na mahimbing na natutulog at hinalikan ang noo.
"Mama, where are you going? My Brother isn't okay kapag aalis ka," giit ni Dior habang nakahawak sa kamay ng kanyang ina. Akmang magsasalita si Cassandra ngunit pumasok si Floyd at agad lumapit sa kanilang mag-ina.
"Cassy, bakit mo naman inalis ang dextrose mo?"
"Floyd, please take care of my son. Kailangan kong malaman kung sino talaga ang pumatay kay Timothy," tugon ni Cassandra habang umiiyak na nakatitig kay Floyd.
"Tumigil ka na, Cassandra! Hindi pa ba maliwanag sa'yo na buntis ka na at delikado ang buhay niyo ng batang iyan! Tingnan mong PPD na ang kumikilos para sa hustisya kay Timothy! Noong namatay ba si Vito, may napala ka sa pinaglalaban mo? Wala diba? Wala kang makuhang hustisya sa pagkamatay niya! Hindi mo pa rin kilala kung sino ang tao sa likod nito! Napaka gulo na, dalawang Heneral na ang namatay dahil sa mga komunista na pilit sinisira ang bansa! Hindi ka ba naaawa kay Dior, Cassy? Kahit kaibigan mo kami na pwede mong pagkatiwalaan sa anak mo, maawa ka naman sa batang parang tuta kung ipasa mo sa amin! Ikaw ang kailangan ng anak mo, napaka bata pa ni Dior pero ito na ang nakikita at naririnig niya! Puro dahas, puro galit! Wala kang mapapala sa hustisya na gusto mo dahil mismong ang Tatay ni Dior ay hindi mo ma-ipaglaban!"
Natahimik si Cassandra at sinampal ng katotohanan. Totoong hindi pa rin niya makamit ang hustisya kay Vito hanggang sa si Timothy naman ang nawala sa kanya.
"Wala akong kwentang! Kayang-kaya kong lumaban pero hindi ko magawa kasi wala akong kapangyarihan na paikutin ang batas katulad nila! Wala akong kwentang ina!" Sigaw ni Cassandra at hinagkan siya ni Floyd.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...