CHAPTER 77
"Mama," umiiyak habang panay ang tapik ni Dior sa kanyang ina.
"Hmm? Bakit anak?"
"Papa is missing! Nasaan si Papa?"
Bumalikwas mula sa pagkakahiga si Cassandra nang marinig ang sinabi ni Dior, nilibot niya ang buong paligid ng kwarto at isinama ang anak sa pagbaba.
"Manang! Manang! Si Vito—oh I mean Levi?"
"Wala po kaming alam, bakit po?"
"Nasaan siya? Katabi ko lang siya kagabi! Please, maawa po kayo. Nasaan siya?"
"I'm sorry hija, wala kaming alam. Kung alam namin, sasabihin naman namin kung saan siya."
Tumakbo si Cassandra papalapit sa ka kwarto ni Vito at nakita niyang wala na roon ang cellphone. Tanging naiwan lang ang sa kanya. She immediately called him pero nakapatay ang linya nito. Para bang mababaliw si Cassandra at hindi alam kung saan hahanapin ang nobyo.
"Dior, anak. Huwag ka ng iiyak, babalik si Papa okay?"
"When? Hanggang kailan po tayo ganito?"
"Huwag kang iiyak. I promise, babalik siya. After that we will be happy again. He needs to see the Doctor anak."
"Can we go there? I'd like to visit my Papa."
"Anak, bawal tayo roon kasi for doctors lang."
"But you are a nurse right? Especially his private nurse."
Hindi alam ni Cassandra kung paano ipaiintindi sa kanyang anak, matalino pa yata ito sa kanya at ilang katanungan pati pagtataka pa. Until she did her best at tumigil si Dior. Pumirmi kasama niya sa bahay dahil ayaw din siyang palabasin ng mga gwardya.
It was commanded by Don Vito dahil nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa labas ng kanyang mansyon. Unti-unting nagliliwanag ang kanyang isip at bago isalang sa operasyon, he read all his achievements in DLPA. He just smiled until his anger flowed into his veins. He remembered Tristan and Chino with a clear vision. At nalaman ang pagkakamatay ni Tristan.
"Mr. Levi," bungad ng kanyang Doctor.
"Don Vito, call me by my real name."
"But sir..."
Kunot noo si Vito habang nakatitig sa kanyang Doctor. "Why the fuck you didn't tell me about my family? My brother, my son Tristan died! Kung pinaalam niyo sa akin lahat ng maaga pa, edi sana ako ang pumatay sa lider ng Black Umbrella! Binulag niyo ako sa putang inang identity na ito! Para akong tuta na sumunod!" Sigaw niya at halos dumagundong ang boses niya na parang kulog.
"Sir, it will affect your trauma. Hindi makakabuti lalong sobrang psychological trauma ang nangyari sa iyo. By process ang lahat, step by step."
"Are you damn stupid? Five years of step by step? Without one year, I remember my wife. I remember my son! I left her in the dark! She almost died because of entering DLPA! You don't know how she was so fragile. I left my family, I almost forgot about her because of this!"
"I'm sorry, Boss."
"If you will tell this to Charish, baka isama kita kay Tristan."
Natakot ang doctor lalo na at nag-iwan siya ng isang mensahe kay Charish. Sa paglabas ng doctor, ihinanda ng mga private nurses ni Vito ang gagamitin para sa kanyang test upang siya'y ma-operahan agad.
******
Hawak ni Colin ang baril at pinasok niya ng buong tapang ang El Asesino. Kahit ang puso niya'y halos lumabas ay patuloy pa rin niyang nilalakasan ang loob.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...