Kabanata 51-

2.3K 115 55
                                    

CHAPTER 51

Narating nila ang Tagaytay at si Timothy na siyang nagbubuhat kay Dior. Ayaw lumapit ng bata kay Cassandra at parang mas malapit pa siya sa bagong kakilala.

"General ako na lang."

"Call me Timothy."

"Ako na ang magbubuhat sa anak ko."

"Mama naman," reklamo ni Dior at sumibi sa harapan ni Cassandra.

"Anak nakakahiya naman, kaya naman kitang buhatin."

"Okay lang, Cassandra. Hindi mo naman kailangan mahiya."

Hindi na kumibo si Cassandra dahil nakikita naman niya kung gaano kasaya si Dior na kasama si Timothy kahit kakikilala pa lang nito rito.

"Mama," biglang bulong ni Dior kay Cassandra nang makaupo na sila.

"Ano iyon?"

"Pwede po ba natin ulitin ito na kasama si Tito Timothy?"

"Akala ko bang si Floyd ang gusto mo?"

"Eh kasi po, parang si Papa si Timothy. Kahugis po ng mukha niya malaki rin po ang pangangatawan tsaka gwapo rin po katulad ko."

"Anak, mas malaki ang katawan ng papa mo. Mas matangkad pa siya kay Timothy. And he's one thousand percent handsome," Umiling si Cassandra at kinurot ang mukha ni Dior. "Mama naman? Palagi po kayong kumukontra sa akin? Gusto ko lang naman po magkaroon ng Papa. They are always saying that singaw lang daw po ako, no Papa."

"Nah, don't mind them."

"Pero iyon po kasi ang sabi sa akin."

"Pagsasabihan ko ang Principal niyo na pagalitan ang mga batang nambubully sa iyo."

"Our house is so silent. Wala po akong kalaro kapag wala ka. Nathalia likes barbie. Hindi naman po ako babae."

Mas lalong natawa si Cassandra at hinalikan ang kanyang noo. "Let us see anak, okay?"

"Here you go!" Salubong ni Timothy habang bitbit ang isang malaking pizza at salad.

"Tito! Tabi po tayo!" Aya ni Dior at nagmadali namam na lumipat ng pwesto.

"Come here little boy, what do you want? Half slice or full slice?"

"Full po!"

Pinagmasdan ni Cassandra ang kilos ni Dior habang kasama si Timothy. Napakasaya nito at si Timothy na parang anak din ang turing sa kanyang anak.

"Should I open my heart again? How about Vito?" Bulong niya sa sarili.

"Cassy, hindi ka ba gutom?" Biglang tanong ni Timothy at hinawakan ang kamay niya.

Napatingin lang si Cassandra sa mga mata ni Timothy hanggang sa mapansin niya ang pulang marka sa leeg nito.

"What's that, Timothy?" Turo ni Cassandra.

Hinawakan naman agad ni Timothy ang kanyang leeg at napatingin kay Cassandra. "It was a... a kiss, from..."

"Huwag mong ituloy, nevermind," masungit na sinagot ni Cassandra. Bigla siyang nahiya lalong hindi malinaw sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari kagabi.

Kalaunan, natapos silang kumain ng matiwasay at isinama si Dior sa Tagaytay Zoo. Tuwang-tuwa na naglalaro si Dior sa isang higaan na puro bola at paulit-ulit naman itong nagpapadulas.

Naka-antabay lang sa likuran ni Cassandra si Timothy hanggang sa napaatras ito at natapilok.

"Are you okay?!"

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon