CHAPTER 34
Inilatag ni Tristan ang lahat ng ebidensya na si Lieutenant Alvaro ay positibo sa paggamit ng droga. Umalingawngaw sa ilang TV Networks at ilang batikos laban sa kanya. Tindig wagi ang itsura ni Vito habang nakikinig sa meeting. Tila'y masususpende si Lieutenant Alvaro at kapag mas bumigat pa ang ilang ebidensya ay mawawala ang pinakamahalagang puwesto sa kanya.
'Very good, Tristan.'
Isang mensahe na ipinadala ni Vito kay Tristan. Tuwang-tuwa at abot langit ang saya ni Vito.
"Konti na lang, matatapos din kayo, 'di kalaunan at malalaman ko rin kung sino ang pinaglilingkuran mo, Alvaro."
Mula sa loob ng ospital, hindi sukat akalain ni Alvaro na may maglalabas ng original drug test result niya. Nanganganib siyang mapatalsik sa puwesto at ang tanging sinisisi niya rito ay si Vito.
"Tobias! Patayin mo si Vito, alam kong siya lang ang may alam nito. He's jealous because he knows that I like her fiance!"
"Eh kasalanan mo naman pala! Imbis malinis ang ginagawa natin, dinudumihan mo! How can I save you? Ang dumi na ng pangalan mo! How can you be the General pagkatapos kong patayin si Vito kung mawawala ka na rin sa puwesto?!"
"Putang ina at gawan mo ito ng paraan. If you don't do that, I will pull out all my investments with Mr. Lee at ikaw ang malalagutan ng hininga!" Sigaw ni Alvaro.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso na kahaharapin ni Lieutenant Alvaro dahil sa nangyari. Hindi rin siya makalabas ng ospital dahil bantay sarado ng Pulisya ang paligid.
"I need Nurse Cassandra!" Sigaw ni Alvaro.
"I'm sorry, but Nurse Cassandra is no longer an intern here. Tapos na niya ang internship hours, Mr. Alvaro," tugon ni Dr. Floyd.
"I said, I need her!"
Tila naalarma ang guwardiya na nagbabantay kay Dr. Floyd at agad siyang pinalabas. Hindi nila akalain na magwawala ito at pinagtatanggal ang dextrose sa kanyang kamay.
"Hindi ako kriminal! Let me go out! I am not a drug addict! I have a heart disease!" Sigaw ni Alvaro at pinagpipilitan na lumabas ngunit pinigilan siya ng mga Pulis na nagbabantay sa kanya.
"He's out of his mind now, is this warshock or a drug abuse result? He should rot in jail, not in a mental hospital! There's a tendency that he could still escape!" Reklamo ni Vito dahil sa ilang oras na paghihintay nila, sa Mental Hospital dadalhin Alvaro upang gamutin.
"Hindi pwedeng makulong ang may sakit sa isip, Vito."
"Hindi naman siya baliw! Nagbabaliw-baliwan lang para makatakas! Bakit hindi niyo intindihin na drug addict ang taong inaakala niyong naglilingkod ng tama para sa bansa? Lahat ng ebidensya nakalatag sa harapan niyo, pero nagbubulag-bulagan pa kayo!" Bulalas ni Vito at sa sobrang galit niya'y napalabas siya ng opisina.
Naiwan sa loob ang mga kapwa niya sundalo na inaayos ang kaso pati na ang ilang abogado.
"Tristan!" Asik ni Vito sa kabilang linya.
"Yes, Boss?"
"Show all the documents against Alvaro at siguraduhin mo na mabubulok iyan sa kulungan. If not, kidnap him and I will kill him right away."
"Yes, boss."
Habang naglalakad si Vito palabas ng opisina napansin na lamang niya ang tawag ni Cassandra.
"Babe?"
"Vito, pauwi ka na ba?"
"I'll be there at eight. May tatapusin lang ako."
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
ActionCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...