Chapter 3
"I received calls from the General, Sir Vito," wika ni Chino.
"Tungkol saan?"
"Puwede raw po ba na putulin ang vacation leave mo? Mukhang kinakailangan na po nila kayo sa kampo."
"As always . . . Hangga't walang umaamin sa mga taliwas nilang tinatrabaho, hindi aayos ang bansang ito," tugon ni Vito at dinampot ang isang baso ng alak. "How about Cassandra? Nagtatrabaho na ba siya?" biglang tanong ni Vito.
"Yes, sir. Sa katunayan, tumawag ang boss niya sa akin at nagsimula siya sa job clean sa La Tierra Unit No. 404."
Biglang tumayo si Vito at dinampot ang kanyang sumbrero. "Drive me there. I want to see her."
Agad sumunod si Chino sa kanyang amo. Nang marating nila ang nasabing condo unit, walang patumpik-tumpik na tinungo ni Vito ang kuwarto upang makita si Cassandra. Sa pagbubukas ng elevator, hindi niya halos akalain na makaririnig siya ng sigaw. Agad silang lumabas ni Chino at ng dalawa pang guwardya. Kitang-kita ni Vito si Cassandra na tumatakbo, sira ang damit at duguan ang kamay.
Ilang sandali ay nakita ni Vito na mukhang babagsak na si Cassandra sa sahig. Maagap ang binata at hinayaan niyang bumangga sa kanyang dibdib ang dalaga
"T–Tulungan mo ako," pakikiusap nito habang pilit siyang tinitingnan. Tuluyan itong bumagsak.
Hinubad ni Vito ang suot na coat at binuhat ang dalaga. He also covered her bleeding wound. Mabilis na sumakay ng elevator si Vito kasama si Chino.
"Tristan, Mark. You know what to do," utos niya. Dinig ng mga guwardiya niya ang galit sa tono ng pananalita niya kaya napaatras si Chino at kinabahan.
Ilang sandali ay mabilis nilang narating ang sasakyan. Hindi binitiwan ng binata si Cassandra hanggang sa marating nila ang rest house sa Rizal.
Sinalubong ng dalawang kasambahay sina Vito at Chino. Deretsong dinala si Cassandra sa isang silid, pagkatapos ay agad ginamot ang sugat sa kamay nito. Hindi tinititigan ni Vito si Cassandra dahil kulang na lamang ay mahubad na ang damit nito. Ilang minuto lang ang itinagal at natapos niyang gamutin ang sugat nito.
"Change her clothes. Then leave us alone here," utos ni Vito at kaagad sumunod ang kanyang mga galamay.
Nagmadali siyang pumasok sa sariling kuwarto at pinalitan ang kanyang damit. Itinago niya rin ang baril mula sa kanyang bulsa at iba pang bagay na katatakutan ng dalaga.
Sa kanyang paglabas, tahimik lang ang paligid. Pilit na ngumiti ang binata.
"You should act formal. Baka matakot siya sa mukha kong seryoso," saad ng binata at dumeretso sa kuwarto kung nasaan si Cassandra.
Sa kanyang paglapit, nasaksihan niya ang payapa nitong pagtulog. Sumilay ang matatamis na ngiti sa kanyang labi habang ang babaeng umagaw sa atensyon niya ay nasa loob na ng kanyang bahay.
"Good night, Cassy," banggit niya at lumapit sa dalaga. He wanted to leave a kiss on her forehead pero pinigilan niya ang sarili. Umiling ang binata at iniwan ang babaeng natutulog. Sila lamang dalawa ang naiwan sa loob ng bahay habang ang mga galamay ni Vito ay nasa kabilang gusali ng kanyang ari-arian.
Kinabukasan, ang pikit na mga mata ni Cassandra ay unti-unting bumukas. Hanggang sa . . .
"Oh my gosh! Nasaan ako?!" bulalas niya at nakita ang paligid. Puti ang kulay ng pader habang pulang kumot ang bumabalot sa kanyang katawan. Pinagmasdan niya ang sarili. Kumpleto naman ang damit niya at ang kamay na may benda.
"Who saved me?" bulong niya at tanging naalala ang nangyari kagabi. Agad tumayo si Cassandra at lumabas ng kuwarto. Halos mapanganga ang dalaga nang mapansin ang malaking bandila ng Pilipinas sa gilid.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
AçãoCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...