Kabanata 68-

2.2K 130 94
                                    

CHAPTER 68

Nagkalat ang dugo at pati Doctor ay hindi makalapit kay Levi. Hinugot nito ang baril sa kanyang tagiliran at tinakot ang kung sino man lalapit sa kanya.

"Please! You are getting worse now, sir!"

"Ms. Cha, this is the worst self harm I encountered in my whole medical life," wika ng doktor.

Kung ano-anong ingay ang naririnig ni Levi sa kanyang tainga at sa bawat pagpikit, nakikita niya sa kanyang diwa ang isang malaking pagsabog.

Nagsisigawan at nanghihingi ng tulong ang lahat habang tinutupok ng malaking apoy.

"Cassandra!" Bulalas ni Ms. Cha nang makita ito.

Buong tapang na humarap si Cassandra kay Levi at tinitigan lamang ang kanyang mga mata.

"Mr. Levi, please. Don't do this. Sinasaktan mo na ang sarili mo!"

"Don't come closer, don't!"

Kahit may nakatutok na baril kay Cassandra, hinarap niya si Levi at lumuhod sa harapan nito. "Please, you are not alone. Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Give me your gun, pagkatapos aalis tayo, I will help you. Hold my hand, Mr. Levi."

Paunti-unting inabot ni Levi ang baril kay Cassandra pati ang bubog na hawak nito. Kaagad naman itinapon ni Cassandra palayo ang mga bagay na pwedeng manakit kay Levi. Hinagkan niya lamang ito kahit puno ito ng dugo. Sumenyas na rin si Cassandra upang buhatin si Levi para gamutin at linisin ang marumi nitong katawan.

Sa ilang oras na nakalipas, tulala lang si Cassandra habang pinagmamasdan ang kamay niya na may bakas ng dugo mula kay Levi.

"Lilinisan na rin kita," giit ni Ms. Cha at hinawakan ang kamay niya.

Napatingin naman si Cassandra sa bawat kilos ni Charish lalo sa mukha nito. "You know, Ms. Cha. You look like someone I knew. Parang ginawa lang siyang babae kapag tumitingin ako sa mukha mo."

"I am one of a kind. Anyway, thank you for saving our Boss."

"Sa totoo lang, ayoko nang ituloy ito dahil nahihirapan na ako. Pero sa tuwing tinatawag mo ako para saklolohan siya, hindi ko magawang bumitaw. Hindi ko siya kayang iwan," humagulgol na lang si Cassandra hanggang sa namalayan niyang hindi naman pala siya naiintindihan ni Ms. Cha. "Sorry..." ngumiti si Cassandra, "Naawa lang ako sa kanya. May naalala lang kasi ako," umiwas si Cassandra at siya na mismo ang naglinis ng mga kamay.

"Ms. Cha..." tawag ng Doctor mula sa ikalawang baitang. "Sir Levi is looking for her private nurse."

Tumango lang si Cassandra at umakyat papunta sa kwarto ni Levi. She closed the door at pagkatapos ay dumiretso papunta sa kama nito.

"Sir, kumusta ka?"

"Are you okay now? Do you still have a fever?"

"Sinat na lang po."

"Can you do me a favor?"

"Ano po?"

"I want you to stay here, work as a full time nurse. You may have two days off for your personal matters."

"Bu—"

"Isama mo na lang ang anak mo rito kung iniintindi mo siya. Charish told me that you have a child."

Napakagat ng labi si Cassandra at hindi niya alam kung ano ang importante.

"Cathy can't take care of me. I just wanted her body for sex, no love just lust."

Napalunok na lamang si Cassandra dahil kahit papaano na umamo si Levi, may bahid pa rin ng pagkabarumbado ang pananalita nito.

"Sign my agreement there, kung wala ka nang tanong," dagdag ni Levi.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon