CHAPTER 58
Kinabukasan hawak ni Timothy ang maleta dahil kinakailangan na siyang sunduin ng helicopter papunta sa Manila.
"Sasama na kami sa Manila," wika ni Cassandra.
"No, dito na muna kayo. This is my hideout just in case may sumugod sa bahay ko. Delikado ang kalaban namin, Cassandra. Sandamakmak na death threat ang natatanggap ko. At para na rin ito sa seguridad ni Dior," tugon ni Timothy.
"There's no signal here. Ni wala ngang internet connection. How can I contact you, how can I watch news about the war?"
"On Sunday, susunduin ka naman dito ng driver ko. I want you to be safe dahil asawa na kita. Ikaw na ang buhay ko at ayokong mawala ka."
"Pero paano ka?"
Umiling si Timothy. "Don't worry, I have nine lives. Aalis na ako..." sagot nito at nag-iwan ng halik sa labi ni Cassandra pati isang halik sa pisngi ni Dior.
"Daddy Tito, please take care dahil maglalaro pa tayo ulit," saad ng bata.
"Yes, babalik ako," wika ni Timothy. Lumuhod ito at humalik sa sinapupunan ni Cassandra. "I'll be back. No one will kill or beat me," dagdag nito at tumingin sa mata ni Cassandra.
Tila ang mga mata nito'y nagbabaga kaya tumalbog ang puso ni Cassandra. Para bang may ibig sabihin ito na hindi niya mainindihan.
Ilang sandali at lumapag ang helicopter at sinundo si Timothy kasama ang ilang sundalo. Nagpaalam lang ito at pinagmasdan pa rin ni Cassandra ang mga mata nito.
"Your eyes looks weird. Anong kailangan kong basahin? Anong kailangan kong intindihin sa bawat titig mo? Pagkakamali nga ba ito tulad ng pagpapakasal ni Vito kay Marissa?" bulong ni Cassandra.
Sa paglipad ng helicopter, ngisi lamang ang naging reaksyon ni Timothy habang nakatingin kay Russ.
"Pinakasalan mo na ba siya boss?" bungad nito.
"Of course, I told you. Walang mas hihigit sa akin. Napatay ko si Vito, paano pa si Tristan na lider-lideran ng El Asesino? Susunod na siya," humaglapak sa pagtawa si Timothy at tiningnan ang wedding ring nila ni Cassandra.
"Parang mas bagay kung General Thiago 'Tobias' Sta Cruz na lang ang itawag sa 'yo boss," tugon ni Russ.
Umiling naman si ito at ngumisi. "Nope, not now. Nag-eenjoy pa ako kay Cassandra. Tunay na masarap na putahe ang nobya ni Vito. Madaling utuin kahit napaka talino. Madaling bilugin sa mga arte na ginagawa ko," giit nito at muling humagalpak dahil gumagana lahat ng plano niya para kay Cassandra.
Cassandra Cordova is part of his plan dahil hanggang ngayon, inaalam ni Tobias ang ari-arian ni Vito. Alam niyang magagamit niya si Cassandra para malimas ang pera nito. Alam din niyang hindi lang basta-bastang mayaman si Vito.
Mula sa pagiging comatose ng dating Presidente ay kanyang pakana kasama ng mga lider ng sindikato na kasosyo niya sa Pilipinas. He hired a Doctor who can make the Ex-President's condition worst, dahil alam niyang kaibigan ito ni Vito. Pati ang ilang sundalo na hawak ni Vito noon ay naging abo dahil sa pagpapatay niya.
******
Magkabilang nakahawak si Tristan sa litrato ni Chino at Vito habang parang ilog na rumaragasa ang luha nito.
"Trust me, I'm Chino's long lost sister. I worked with Belladonna Food Corporation in Mexico. I was kidnapped at hindi na kaming muling nagkita ni Kuya."
"How can I trust you? Nasaan ang DNA mo? Paano kung tuta ka rin ng Black Umbrella?!"
"No, tumiwalag na ako sa araw ng kasal ni Don Vito at Cassandra. Dahil kung hindi ko ginawa iyon, siguradong mas lulong na tayo sa droga at ilegal na transaksyon mula sa iba't ibang bansa. I am the former head of the international transaction. At mula ng umalis ako, hindi lahat natuloy ng mga sindikato na gustong mag-invest kay Tobias. Hindi ko lang alam kung meroon pa siyang mga kaibigan sa Pilipinas."
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
AcciónCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...