CHAPTER 54
Months later
Itinapon lahat ni Tristan ang mga dokumento na nagsasabing bumalik ang El Asesino at sila ang ulo sa naganap na bomb threat at gunman sa mall.
"Anong kaputanginahan ito? Hindi nga tayo gumagalaw ngayon dahil sa nangyari sa pier! Pagkatapos tayo ang pagbibintangan dito?!" Sgaw ni Tristan.
Mas lalong umigting ang panga nito dahil sa nakita niyang interview ni General Timothy Dela Cruz.
"It was the El Asesino Mafia who did the bomb threat in the mall. Walang sino man ang itinuturo sa panggugulo pati sa mga bar. Patuloy ang paglaganap ng droga dahil sila ang malaking organisasyon na naglalabas ng panibagong droga. "
"Pero paano po ang Black Umbrella na noon pa'y kilalang malaking sindikato?" Tanong ng reporter.
"No, it was El Asesino who hid themselves."
Hindi makapaniwala si Cassandra na tuluyang inilathala ni Timothy ang tungkol sa El Asesino. Maluha-luha siyang nakatitig sa mga ebidensya.
"I graduated from college because of a Mafia Boss. Dahil kay Vito? Ipinakain ko sa anak namin ang ilegal niyang ginagawa? Paano niya ito nagawa? Paano nila ako binilog ni Tristan pati si Chino?"
Dumukmo si Cassandra sa kanyang lamesa at hindi matigil ang kanyang luha. Hindi niya alam kung mabubuo ba ang galit sa puso niya dahil sa mga nalaman.
"Bakit mo tinago ang bagay na ito, Vito? Pinaglaruan mo lang ba talaga ako?"
Mula naman sa loob ng opisina ni Tristan. Patuloy siyang nag-iisip ng paraan kung paano niya sasabihin kay Cassandra na hindi ito pakana ng El Asesino.
"Boss, I am sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko ipapaliwanag kay Cassandra ang lahat. Kung paano ko sasabihin na dinikdik lamang tayo ng Black Umbrella?"
Habang nakayuko si Tristan, sumagi sa isip niya si General Timothy. Agad siyang bumangon at hinanap lahat ng impormasyon ng Heneral.
"Toy!" Sigaw ni Tristan.
"Ano po?"
"Matyagan mo ng maigi si General Dela Cruz. Hindi maganda ang kutob ko sa kanya."
"Yes boss! At bago ko po makalimutan. Malapit po siya sa Presidente. He received an incentive ngunit ang nanganganib na pag-alis sa pwesto ni Ms. Cordova ay walang ni isang aksyon na ginagawa ang Heneral."
"Huwag mong hahayaan na maalis si Cassandra sa DLPA and also Colin from PPD. We need them dahil nasa kanila ang access ng database mula sa ahensya."
Nagbabaga ang mga mata ni Tristan at kinuha ang baril upang puntahan si Cassandra. Gusto niya itong makausap ng masinsinan dahil sa nangyari.
Kalaunan, ang narating niya ay labas ng bahay ni Timothy at sinimulan tawagan si Cassandra.
"Hello?" Tugon ni Cassandra.
"Go out, this is Tristan. We need to talk."
Kaagad bumaba si Cassandra at nakita sa bintana ang sasakyan. Ipinagbilin niya si Dior sa kasambahay ni Timothy. Sa paglabas ni Cassandra, buong tapang siyang sumakay sa front seat ni Tristan.
"Where are we going?"
"We need to talk privately."
"What do you want, Tristan?!"
"Mag-uusap tayo dahil hindi ko kayang mabulag ka sa kasinungalingan na inilabas ng boyfriend mong si Timothy! Kailangan mong buksan ang mga mata, Cassandra!"
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...