Kabanata 49-

2.1K 106 24
                                    

CHAPTER 49

Pagtapak ni Cassandra sa harap ng kanilang gate. Hindi siya nagkakamali na makita ang isang bulaklak. Mas lalong tumalbog ang puso niya at ni-review lahat ng footage sa bahay niya habang bitbit si Dior. "Anak, pasok ka na muna sa bahay."

Tumango naman ang bata at tumakbo papasok ng kanilang bahay. Pinagmasdan ni Cassandra ang footage niya at nakita ang lalaking naglagay nito. Hindi niya mamukhaan dahil halatang napag-utusan lang ito.

Muli niyang pinagmasdan ang bulaklak hanggang sa kanyang paghawak, nakita niya ang maliit na mensahe.

'It has been a while, Ms. Cordova. Don't forget to find justice for Vito.'

Kumakabog ang puso ni Cassandra sa sobrang kaba at takot. Mabilis niyang pinarada ang sasakyan at sinara ang gate. Iniwan niya sa labas ng bahay ang bulaklak at nagmasid sa loob ng bahay.

"Mama!" Tili ni Dior kaya tumakbo si Cassandra.

"What?! Dior?!" Bulalas niya at natagpuan ang ilang toy gun na nagkalat sa kwarto ng anak.

"Mama... ang dami ko pong gift!"

"Who the hell entered my fucking house!" Sigaw ni Cassandra at pinagmasdan ang paligid. Hinahanap niya kung may surveillance camera na inilagay sa bahay niya habang hindi binibitiwan ang kanyang anak.

"Mama, what's going on?"

"Anak, dito ka muna sa kwarto ni Mama. Huwag ka munang lumabas dahil maglilinis ako."

Sumunod naman si Dior at nahiga sa kama ng kanyang ina. Galit na patagong kinuha ni Cassandra ang baril at inilagay sa kanyang likuran. Naupo siya sa sala habang pinagmamasdan ang paligid.

Mula sa loob ng opisina, tahimik lang nakatingin ang mga matang nagmamasid sa kilos ni Cassandra. Someone installed a hidden camera inside her living room kaya hindi rin talaga makikita ni Cassandra.

Hindi mapakali at tinawagan ni Cassandra si Colin habang nasa loob siya ng banyo. Masarap ang tulog ni Dior kaya hindi gaano gumagawa ng kaluskos si Cassandra.

"Yes girl?!" Bati ni Colin.

"Colin, may nanloob sa bahay ko. Hindi ko alam... pero parang si Vito."

Dinig ni Colin ang paghikbi ni Cassandra mula sa kabilang linya. Ngayon lamang niya ulit ito narinig na umiyak.

"Cassy, lumipat ka na ng bahay. Baka ibang tao iyan."

"Hindi, Colin. Si Vito lang ang ganito. Siya lang ang palaging namboboso sa akin," pilit siyang nagbiro at tumawa kahit dinig pa rin ang labis niyang pag-iyak.

"Gaga! Ibang tao iyan. Mabuti pa na magpadala ka ng eksperto nang matuklasan mo kung sino ang taong naglagay niyan."

"He even gave me flowers, Colin. Nakasaad doon na huwag daw akong tumigil na hanapin ang hustisya kay Vito. Litong-lito na ako."

"Pupuntahan kita bukas, may duty lang ako sa PPD. Basta kapag may nangyari, emergency call agad okay?"

"Thank you, Colin. Makikiusap muna ako kay General na huwag akong i-destino sa malayo."

"Good decision."

Kalaunan, nakababad pa rin si Cassandra. Iniisip pa rin niya kung sino ang taong gagawa nito sa kanya. "Not Chino or Tristan. Pareho silang namayapa. How can I find answers?"

Mula sa loob ng kwarto, naalimpungatan si Dior at napansin ang anino sa kanilang terrace. Pinuntahan ito ng bata at nagkusot ng mata dahil hindi ito makapaniwala na bigla itong tumalon paibaba.

EL ASESINO MAFIA: Don Vito ValentinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon