CHAPTER 70
Magkasalubong ang kilay ni Levi na pumasok sa loob ng sasakyan. Pinasundan niya kung saan papunta si Cassandra at Dior hanggang sa makita ang Carmelite Hospital. Laking gulat niya na sinalubong ng isang Doctor si Cassandra at humalik pa ito sa pisngi ng babae. Dagdag pa ang pag yakap ni Dior sa Doctor.
"Is this her boyfriend or fuck buddy? Kakasabi ko lang na walang ibang lalaki, Cassandra. Dapat makipaghiwalay siya!" Bulong niya sa sarili habang namumutok ang ugat sa kamay. Halos mabali na niya ang baston dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak.
Lumipas ang ilang minuto na paghihintay niya kay Cassandra at Dior, natagpuan niyang umalis na ito kaya agad pinasundan. They stopped in an amusement park, nakita niyang binili ni Cassandra ng sisiw si Dior.
"What the hell? May balak ba silang alagaan ang sisiw sa bahay ko?!" Bulalas ni Levi kaya nagulat ang driver.
"Mama! Mama! Bilhan po natin ng bahay at pagkain ang sisiw."
"Teka, anong ipapangalan mo sa sisiw?"
"Can I call him, Levi?" malokong sinabi ni Dior.
Bumilog ang mata ni Cassandra at tumawa ng malakas. "Anak baka lutuin niya ang sisiw na iyan kapag narinig ka niya?"
"No, hindi naman po ako lumalabas ng kwarto. I don't like the human Levi, I like the animal Levi."
Ginulo ni Cassandra ang buhok ng anak dahil sa sobrang tuwa. Nag bike at duyan lamang silang dalawa, habang si Levi na mainit ang mga mata sa alaga ni Dior.
"Mabaho ba ang tae ng sisiw?" Inosenteng tanong ni Levi.
"Ah, eh... kapag na ipon po."
Tila umusok ang ilong nito at tinapik ang balikat ng driver para sila'y umalis na. Inis na inis siyang bumalik sa bahay at nag-inspeksyon sa loob ng kwarto nila Cassandra. Wala siyang makitang dumi at mabango naman ang kwarto nito.
Sa ilang oras na nakalipas, muling bumalik ang mag-ina sa bahay. Agad naman tinago ni Cassandra ang alaga ng anak sa kwarto nila dahil alam niyang napaka selan ni Levi.
"Mama, saan ka po pupunta? Bakit po mukha kang aalis?"
"Pupuntahan ko lang ang bahay anak, hindi na kita masasama dahil baka mapagod ka na kakaalis."
"O-okay po."
Kalaunan, tutok pa rin ang mga mata ni Levi sa monitor habang pinagmamasdan si Dior, hanggang sa makita niya ito na lumabas ng kwarto bitbit ang sisiw. He monitored the kid until he reached the pool area.
"Levi, dito ka lang okay?" giit ni Dior at pumulot ng mga lantang dahon sa paligid upang maging higaan ng sisiw. Nang makabalik si Dior, he opened the cage at biglang nagtatalon ang sisiw. Hinabol ito ng bata at aksidenteng nalaglag sa pool.
Napatayo so Levi at dali-daling lumabas. Sumakay siya sa elevator niya para kaagad makababa hanggang sa makalabas siya ng bahay at nakita ang bata na nanghihingi ng tulong.
"Mama! Hmm, help!"
Nang makalapit si Levi sa pool, natakot siyang tumalon dahil hindi niya alam kung makakalangoy siya ng maayos o makakaapekto ito sa tuhod niya. Sa ilang segundo na nakatulala si Levi nakita na lang niya na tumigil sa paghingi ng tulong ang bata. Bigla siyang tumalon at sinaklolohan ito. Sa kabila ng hirap sa paglangoy he managed to used his one leg and arms to reach the pool stairs. Na-ihanon niya ang batang walang malay. He did CPR pero hindi rumesponde ang bata. Kinabahan si Levi at hindi tumigil na bigyan buhay ang bata.
"Hey, chicken! Wake up!" Asik niya at muling nag CPR, hanggang sa bumuga ng tubig ang bata pagkatapos ay umiyak sa sobrang takot. Bumangon si Dior at hinagkan ng napakahigpit si Levi.
BINABASA MO ANG
EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin
БоевикCassandra Cordova, an innocent nineteen-year old nursing student, is stuck with the El Asesino's Mafia Boss, Don Vito, who is obsessively in love with her and that causes her to choose between love and hatred, resulting in her entering the De Luna P...